[CHAPTER 16]

315 9 1
                                    

Naka-upo pa rin sina Lucas at April sa tabi ni Mr. Chung.

"Mr. Chung bakit kailangan niyo ipain yung mga taong o estudyante na nagca-camp dito?"

"Ganito rin ba ang dahilan kung bakit namatay din ang mga nagcamp dito noon?" tanong ni April.

"Alam niyo kung bakit? Alam niyo kung bakit ko ginagawa 'to?" nakangising wika ni Mr. Chung.

"Para sa anak ko..para sa anak kong pinagdiskitahan at sinunog pa ang katawan" sagot niya.

"Mga estudyante rin katulad niyo ang sumunog sa katawan ng anak ko" sagot ulit ni Mr. Chung.

"Pero bakit Mr. Chung? bakit kailangan pinapakain sa anak niyo yung katawan ng tao na pinapatay mismo ng anak mo" tanong ni April.

"Kase baliw yan April. Baliw silang pareho ng anak niya"

"May sakit ang anak ko na schizoprenia, wala akong sapat na pera para maipagamot ang anak ko" sagot ni Mr. Chung.

"Bago kami lumipat dito sa Woodville, nakita ko ang anak ko na kumakain ng hayop, hilaw at buhay na hayop"

"Akala ko unang beses lang yon pero naulit ng naulit, hindi na siya kumakain ng luto o anumang kinakain ng tao, maski gulay ay inaayawan niya"

"Ipaparehab ko sana ang anak ko pero natatakot ako baka kung anong gawin nila sa anak ko"

Halos mangiyak-iyak si Mr. Chung sa pagke-kwento tungkol sa anak niya.

"Yung asawa niyo po nasaan?" tanong ni April.

"Matagal na akong walang asawa, namatay siya dahil sa heart attack at maliit palang si Elmer ng mamatay ang mama niya"

"Elmer?" sabi ni Lucas.

"Oo, Elmer pangalan niya. Kaya kami lumipat dito sa woodville ay para makalayo at maging tahimik ang buhay namin"

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon