[CHAPTER 3]

622 31 0
                                    

Ala sais ng umaga ng naisipang bumangon ni April at naghahanda ng kakainin nila ni Chantel. Agad siyang nagluto ng almusal. Buti nalang pwedeng magluto sa dorm nila dahil ayaw nilang gumastos para pumunta pa ng canteen para doon kumain.

Pagkatapos niyang magluto ay naghain naman siya at saka pinuntahan si Chantel sa higaan nito.

"Chantel bangon na" tinatapik niya ang braso nito.

"Chantel bumangon ka na dyan kahit kailan talaga ang hirap mong gisingin" saka umuungot si Chantel.

"Ate mamaya na please? five minutes pa inaantok pa ako" saka tumagilid ng higa.

"Five minutes eh 7:30 yung pasok natin gusto mo na naman mapagalitan tayo ni maam?" walang magawa si Chantel ay bumangon na siya ng higa.

"Kasi naman ate eh bakit ang aga kasi ng pasok naten eh" saka tumayo si Chantel at pumunta ng cr para maghilamos.

"Alam mo sa principal ka ng school na 'to ikaw mag reklamo" at lumabas na si Chantel sa cr at umupo sa hapag-kainan at nagsandok ng kanin.

"Ate?" tawag niya kay April habang kumakain.

"Ano?" aniya.

"Pag nagka-boyfriend ba ako pipigilan mo ko?" saka napa-ubo si April.

"Anong klaseng tanong yan? Alam mo bang magagalit parents mo pag nagka-boyfriend ka. Kaya nga pinabantay ka nila sa akin eh" sagot niya at saka kumain ulit.

"Eh bakit kayo ni kuya Lucas parang mag-boyfriend girlfriend kayo, nakakainggit kayo"

"Hindi ko boyfriend si Lucas ok? Sadyang magkaibigan lang kami" sumagot ulit si April. Kaibigan lang talaga ang turing niya kay Lucas pero di niya alam na may nararamdaman si Lucas para sa kaniya. Hindi muna niya iniisip ang mga ganoong bagay at tanging gusto niya ay makapagtapos at makapag trabaho.

"Teka nga. Bakit yan yung mga tanong mo saken?"

"Kase ate may gusto ako sa isa sa mga classmate natin eh" nagtaka si April.

"Sino naman?" tanong niya.

"Si Charlie ate" nagulat naman siya sa sinabi ni Chantel.

"Si Charlie? Bakit siya? Eh adik yon sa room natin. Nako bilisan mo na dyan at maligo ka na mala-late na tayo" saka binilisan niya sa pagkain.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon