[CHAPTER 15]

307 10 2
                                    

A/N:
   Thank you nga pala sa mga nag vote at inilagay nila ang storyang ito sa kanilang 'reading lists', naappreciate ko po yon. Enjoy reading lang guys. Love lots. ❤

[---------------------------------------------------------]

"Dito muna tayo Chantel" saka umupo sila sa tabi rin ng puno medyo may kalakihan din ito at pwedeng-pwede akyatin.

"Nasaan na ba tayo? Nag-aalala na ako kay ate.." sabi ni Chantel.

"Hindi ko alam kung nasaan na tayo pero kailangan natin makaligtas ok? Wag ka mag-alala sa ate mo kayang-kaya niya sarili niya" saka hinalikan ni Charlie sa noo si Chantel.

"Nauuhaw ako Charlie.." sa tinatagal nilang pagtakbo ay malamang natuyuan na si Chantel.

"Sige dito ka lang ha, hahanap ako ng tubig" saka inilabas ang bote o lagayan ng tubig sa bag at naglakad na palayo.

"Mag-iingat ka Charlie.." ngunit di na siya narinig ni Charlie at nakalayo na ito.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone at nasa 50% pa 'yon.

"Bakit walang signal.."  tumayo siya at inangat ang kamay niya para makahagip ng signal sa phone niya.

Laking tuwa niya na may nahagip siyang signal.

Nai-dial niya agad ang 911 at sinabi niya sa kabilang linya na nasa camp woodville sila.

"H..hello? Hello!" biglang nawalan na naman ng signal.

"Bakit ngayon pa!" saka binuksan ang flashlight ng phone at tinignan ang loob ng bag ni Charlie.

Puro mga damit at ilang mga pagkain na natira. Hinalughog niya pa ang bag ni Charlie at matigas siyang nahawakan. Isang picture frame.

Tinitigan niya ang frama, kasama ni Charlie ang mama at papa niya sa frame at maliit palang si Charlie.

"Oo nga pala, lola nalang nag-aalaga sa kaniya.." mga ilang minuto tinitigan niya ang frame pero nagtaka na siya kung bakit wala pa rin si Charlie.

Tumayo na siya at naglakad para hanapin si Charlie.

"Charlie! Charlie!" kinakabahan na siya baka nahuli na siya ni Elmer at pinatay.

"Charlie! Nasaan ka na ba!" naglakad ulit siya at hinanap si Charlie, pero di niya mahagip ng mata niya.

Pagkalingon niya sa kaniyang harapan ay may nagtakip ng kaniyang bibig na agad namang ikinagulat niya.

"Sabi ko diba wag ka aalis" bulong ni Charlie.

Niyakap naman ni Chantel si Charlie ng mahigpit.

"Akala ko nawala ka na rin, Akala ko iniwan mo na ako.." saka isinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Charlie.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon