[CHAPTER 4]

501 27 0
                                    

"Babe, mahal kita ok? Kahit di ako gusto ng ate mo para sayo hindi pa rin kita iiwan"

"Talaga babe? Paano kapag nalaman niya na may relasyon tayo? anong gagawin natin?"

"Wala naman magagawa ang ate mo sa atin"

Niyakap naman niya si Chantel at kasalukuyang nasa rooftop sila ng building ng school. Dito sila laging nagkikita ni Charlie para walang makaalam na may relasyon silang dalawa.

"Sigurado ka ba na di mo na mahal yung ex mo?" tanong ni Chantel.

"Si Elly? Oo naman babe ayoko na sa kaniya dahil napaka arte niya di katulad mo na simple lang at ikaw lang sapat na" napangiti naman si Chantel sa kaniya.

"I love you babe--"

"What a lovely scene" bigla silang nagulat ng makita sila ni Jade na isa sa mga kaibigan ni Elly.

"J-jade? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Chantel at halatang kinakabahan.

"Wala lang namamasyal lang ako at nakikinig na rin sa mga usapan niyo. Napaka sweet niyo naman at di ko pala alam na mas gusto mo sa cheap at low class charlie?" sumagot naman si Jade at nirorolyo sa daliri nito ang mahabang buhok niya.

"Kung ano man ang narinig mo Jade please lang wag mo na ipaalam kay Elly" sa wakas ay sumingit din sa usapan si Charlie at ipinagtatanggol naman niya si Chantel.

"In one condition"

"What?"

"Five thousand"

"What the hell jade!?"

"Its okay madali naman akong kausap, hmm actually di lang ako nakinig sa inyo vinideohan ko pa kayo hihihi" nanlaki naman ang mga mata ni Chantel.

"Fine! Fine!" kinuha ni Charlie ang wallet niya at naglabas ng five thousand at binigay agad yon kay Jade.

"Good. I have to go baka hinahanap na ako ni Elly"

"Teka yung video?" singit ni Chantel.

"Oh. I'll keep it promise. Its a top secret unless your Charlie will give me five thousand a day"
Tuso si Jade at katulad din siya ni Elly ay gusto niya na lahat ng gusto niya ay masusunod.

SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon