"Elly ano na? Nasaan na ba tayo? Its 5 pm na baka iniwan na tayo ng school bus"
"Can you just shut up Jade!?"
Tumahimik naman si Jade. Naliligaw na silang dalawa at kailangan na nilang makarating sa camp site para makauwi kasama ng mga ibang estudyante. Gustong-gusto na nilang dalawa na makaalis sa magubat na lugar na iyon.
"Mag-isip ka Jade ok? hindi yung puro bibig lang ang alam mo" naglalakad pa rin sila at gamit ni Elly ang flashlight ng cellphone niya para magsilbing liwanag sa dinadaanan nila.
"Bakit kase sumama pa tayo kay April kung itataboy din nila tayo?" pagrereklamo ni Jade habang naglalakad.
"Makasarili sila. I don't care about them, basta ako? Pag nakarating ako sa camp site magpapasundo agad ako dito" pagmamayabang ni Elly.
"Pano naman ako? We're friends right?" napahinto nalang silang dalawa.
"We're not" nagulat nalang si Jade sa sinabi ni Elly. Sa tinatagal nilang magkakaibigan kasama si Rose, pinaplastik lang pala sila ni Elly. Hindi maiwasang mainis ni Jade pero kailangan niyang sumama kay Elly para makauwi na rin siya.
Habang naglalakad, may naririnig naman silang kaluskos kaya agad silang na alarma. Kinakabahan silang dalawa kaya..
"Aaaaaaaahhhhh!"
"Wait, wait! wag kayo matakot! Ako 'to si Mr. Chung" natigilan naman silang dalawa at totoo nga nasa harapan nila si Mr. Chung.
"Mr. Chung! Tulungan niyo po kami makabalik sa camp site"
"Oo nga po" pagmamakaawa ng dalawa.
"Alright girls, kaya lang naman ako nandito kase hinahanap ko rin yung mga estudyanteng nawawala" sagot ni Mr. Chung.
"Ilang estudyante na po ba ang nawawala?" tanong ni Elly.
"12 sections kayo diba? And kada section may 50 students. Kalahati ng students kada section ang nawawala" sagot ni Mr. Chung.
"Marami-rami na rin pala" singit ni Jade.
"Its already 5:30 pm. Kumain muna tayo sa bahay ko gusto niyo ba?" alok naman ni Mr. Chung.
"Sige po" tuwang-tuwa naman ang dalawa at agad naman sumama kay Mr. Chung.
Naglakad naman silang tatlo papunta sa bahay ni Mr. Chung ang hindi alam ng dalawa ay pupunta sila sa lumang bahay na sinasabi ni Chantel.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018