"Bakit mo pinabayaan yung babae!?" sigaw ni Mr. Chung sa kaniyang anak.
Nakayuko lang ang anak niya habang sinisigawan siya ni Mr. Chung.
"Napakahirap maghanap ng pagkain mo anak tapos hahayaan mo lang makawala!" nanggigil sa galit si Mr. Chung.
Oo anak niya ang lalaking pumatay kay Jade at sa ibang estudyante na mga taga Gekkō University, tinutulungan niya ang kaniyang anak sa paghuli ng mga estudyante at ipapain niya sa anak niya.
*Flashback*
"Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko!" Sigaw nito kay Elmer.
"H..hindi ko kasalanan 'yon" naglalakad naman palayo si Elmer dahil natatakot siya sa lalaking kaharap niya.
"Anong hinde!? Nilunod mo siya sa ilog! At wala ka man lang ginawa kundi tignan lang siya na inaanod at di mo man lang siya iligtas!" gigil na gigil din sa galit ang lalaki dahil sa nangyari sa kapatid niya.
Sinisisi niya si Elmer sa pagkalunod ng kapatid niya.
"Sige hawakan niyo" utos ng lalaki at hinawakan naman siya ng kasamahan niya na puro lalaki din.
"A..anong gagawin niyo! B..bitawan niyo ko!" pagmamakaawa ni Elmer.
Binuhusan ng gas si Elmer at saka binitawan ito ng dalawang lalaki.
"Hehe patay ka na" at sinindihan niya ang lighter at biglang nagliyab ang katawan ni Elmer.
Nagta-takbo naman si Elmer dahil sa sobrang init nalalapnos na ang kaniyang mukha at balat.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018