"Guys, guys! May nakakita ba kay Amy at Red? Bakit nagkaka-walaan ang mga classmates niyo? Di pa rin natin nahahanap sina Monica, Nel at Rose" halatang stress na ang kanilang adviser dahil sa mga classmates ni April na nawawala.
"Baka may nangunguha ng mga estudyante dito. Omg!" pananakot naman ni Elly.
"Shut up Ms. Elly. Okay ganito, may mga nag-report din sa akin na nawawala din ang mga ilang estudyante ng kapwa ko rin adviser. Hindi pa namin nakakausap si Mr. Chung pero tulungan ninyo sana akong maghanap sa mga classmates niyo"
"Ate, totoo yung nakita ko sa lumang bahay nandoon sina Amy at Red" sinabi agad ni Chantel ang nakita niya sa lumang bahay nung nanaginip siya dahil alam niyang hindi bumalik sina Red at Amy dahil pinatay na sila ng lalaki.
"Anong pinagsasabi mo Chantel?" tanong ng pinsan niya na may pagkunot sa kaniyang noo.
"Ate nakita ko sila sa lumang bahay! S..si Amy binabalatan ng lalake yung katawan niya.." napasigaw nalang si Chantel dahil sa takot.
"What are you saying Ms. Chantel?" tanong ng kanilang adviser.
"Duh! Halata namang nababaliw na yan si Chantel ma'am" singit ni Jade.
"Hindi siya baliw!" pagpo-protekta naman ni Charlie kay Chantel.
"Okay, okay stop it. We need to find your classmates bago tayo makauwi ok?"
"Yes maam" sagot naman ng mga estudyante.
Gaya ng sinabi ng adviser nila may mga nawawala rin na estudyante sa iba't ibang section. Problemado na rin ang ibang adviser dahil sa nagkaka-walaan na mga estudyante.
Nagtaka naman si April na possible kaya na totoo ang nabasa niya sa dyaryo?
Nagsilabasan naman sila at nagbaon ng mga pagkain. Naisip na rin ng ilang adviser na di na muna ituloy ang ilang activities nila. Isa-isa na silang nagsilabasan at sinimulan ng hanapin nina April, Lucas, Chantel, Charlie, Jade, Elly, Raven at Hector.
Magkakasama silang walo sa masukal na gubat at doon sinimulan hanapin sina Nel, Monica, Rose, Amy at Red.
"Rose! Nasaan ka na ba?! Kami ang nahihirapan sa paghahanap sa inyo! Palibhasa kase mga nakakawala sa hawla" inis na sambit ni Elly.
"Yeah bessy, nangangati na ako dito! Ew! Im starting to get allergy na" singit ni Jade.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018