"Maghiwa-hiwalay tayo" ani ni Lucas.
"Sige. Ikaw Chantel sumama ka kay Charlie ok?" sabi ni April.
"Sige po ate" saka tumango si Chantel.
"Ikaw Elly, kasama mo si Hector" tumango din si Elly.
Naghiwa-hiwalay na sila at nagsitakbuhan palayo at para na rin makapag-tago. Kasama naman ni April si Lucas at pinahawak ni Lucas ang itak na nakuha niya sa lumang bahay.
"Hawakan mo 'to, in case na mahuli at mapatay ako, tumakbo ka ok? Iligtas mo ang sarili mo" nagulat naman si April sa sinabi ni Lucas sa kaniya.
"A..ano? Anong pinagsasabi mo? Hindi tayo mahuhuli at walang mamamatay Lucas" mariin na sambit ni April.
Sa ngayon nasa gilid sila ng puno nagtatago at pinapakiramdaman kung may parating o wala.
"Mas okay na yung handa April" ani ni Lucas.
"Pag namatay ka--" nagsimula siyang humikbi.
"Sisiguraduhin kong mumultuhin kita sa kabilang buhay.." natawa naman bigla si Lucas sa sinabi ni April. Mahal niya si April kung tutuusin ayaw niyang iwan ito at gusto niyang protektahan si April.
"Oh sige hinde na, binabawi ko na yung sinabi ko" nakangiti namang wika ni Lucas.
"T..talaga?" sabay punas ng luha ni April.
"Oo nga. Ang panget mo pala umiyak" sabay pang-aasar ni Lucas kay April.
Natawa nalang silang dalawa. Mahal na mahal na talaga ni Lucas si April noon pa kaya gumagawa siya ng paraan para makuha ang loob nito.
Ganun ang nararamdaman ni April kay Lucas mas lumalalim din ang pagtingin niya kay Lucas dahil sa napakabait nito sa kaniya, pero kailangan muna niyang isantabi 'yon at makapag tapos muna.
Nang tumigil sila sa pag-uusap at pagtawa ay nakarinig sila ng kaluskos.
"Nasaan na kayo..Lumabas na kayo dyan, siguradong mamamatay din kayong lahat! Walang matitira sa inyo! Hahahaha" narinig ng dalawa si Mr. Chung 'yon.
Nagtakip ng bunganga ang dalawa ang pinigilang kumilos para 'di makagawa ng anumang tunog.
"Lumabas na kayo dyan! Wag niyong antayin na mahanap ko kayo at hilahin papunta sa anak ko!" nakita ni Lucas na si Mr. Chung lang ang naglalakad kaya nakahanap siya ng tiyempo para mahampas ng kahoy si Mr. Chung.
Nasa likod siya ni Mr. Chung at hinampas agad ang likod nito ng malakas dahilan para matumba si Mr. Chung.
"Lucas!" lumabas din sa pagkakatago si April.
"Anong ginawa mo!?"
"Buhay pa siya April wag ka mag-alala" kinuha niya ang tali sa bag niya at itinali ni Lucas si Mr. Chung sa puno habang walang malay.
"Iiwan ba natin si Mr. Chung dito?" tanong ni April.
"Hinde babantayan natin siya" saka umupo sa gilid ng puno at ganon din si April.
"Hector sandali..napulikat yung paa ko" sabay upo sa lupa si Elly.
"Ha? Bakit ngayon pa. Baka maabutan tayo dito" reklamo ni Hector.
"Sige mauna ka na, iwan mo na ako dito" habang hawak ang binti niya.
"Hinde ayoko" bubuhatin na sana siya ni Hector pero may tumaga na sa ulo niya.
"Aaaaahhhhhhhhhhhh!" natumba si Hector sa binti ni Elly at nakita ni Elly ang lalaking pumatay kay Jade.
Inalis niya si Hector sa binti niya at sinimulan tumayo kahit kumikirot- kirot pa ang binti niya.
Nagsimula siyang tumakbo at napatingin siya sa likod niya na wala ng ulo si Hector at kinakain na ito ng lalaki.
"Please..tulungan niyo ko! April!! Lucas!! Chantel!! Charlie!! Tulungan niyo ko!!" nadama nalang siya dahil di niya nakayanan na tumakbo. Nakita niya ang lalaki na papalapit sa kaniya.
"Please wag po..." habang umaatras patalikod.
Bigla namang tinaga ang isang binti niya.
"Aaaaaahhhhhhhhhhhh!!!" napasigaw nalang siya sa sobrang sakit.
"H..hayop ka!! Patayin mo nalang ako!!"
At tinaga ulit ang isa pang binti niya at napasigaw ulit siya ng malakas.
"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!! F*ck!!!* napahiga nalang siya sa lupa at tinitignan ang mga binti niya na kinakain ng lalaki.
Umiyak nalang siya at tinanggap ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
"Ano!? Patayin mo na ako!!" ulit na sabi niya pero di pa rin nakikinig sa kaniya ang lalaki.
Tinaga niya ang kanang braso niya at napasigaw na naman siya sa sobrang sakit.
"Aaaahhhhhrrrrrhgggghhhhh!!!" halos maubusan na siya ng boses dahil sa kakasigaw niya.
Ganito pala ang ginagawa sa mga estudyante na nag-camp dito noon. Pinapain, pinapatay at pinapakain sa walang awang mamatay tao na tanging hangad lang ay makaganti.
"W..wag mo na ako pahirapan!!"
At walang sabi-sabi ay tinaga ulit ng lalaki ang kaliwang braso niya.
"Aaaaahhhhhhhhhhhh!!!p*tang*na mo!!!" sigaw niya at pulos luha ang lumalabas sa kaniyang mga mata.
Tinanggal ng lalaki sa pagkakabutones ng uniporme ni Elly at tumambad sa kaniyang mukha ang malulusog na dibdib ni Elly.
Wala na siyang binti at braso eto na ang kaniyang kamatayan.
Dinilaan ng lalaki ang tyan ni Elly pataas papunta sa dibdib ni Elly, sarap na sarap naman si Elmer.
Kinuha niya ang itak at hinati ni Elmer ang tyan niya pataas papunta sa kaniyang ulo. Sobrang talas ng itak at bumubulwak naman ang mga dugo sa mukha ni Elmer.
Tuwang-tuwan siya at agad namang kinain ang mga lamang loob ni Elly na para bang hayop.
A/N:
Nadidiri ako sa pinagga-gagawa ko hahahahahaha! Pasintabi sa mga kumakain.
BINABASA MO ANG
SCHOOL CAMP #Watty'sBestof2018 [COMPLETED]
Horror"Welcome to the bloody SCHOOL CAMP" Date Created: May 03, 2018 Date Completed: May 20, 2018