Chapter 1

102 5 2
                                    

AUDREY'S POV

Audrey Rhailene Azares nga pala.

*tring tring*

Unang araw na naman ng pasukan. Last year ko na 'to kaya naman pagbubutihin ko na pagaaral ko.

Agad na akong gumising at nagsimula ng magready. Bago ako sa school na papasukan ko kaya naman I want to make a good impression para sa students don. Agad akong bumaba ng room ko after kong magbihis. First day pa naman kaya di pa kami magsusuot ng uniform.

Pagbaba ko ay nakita kong nagluluto na si manang at si kuya naman ay nakaupo sa table at nagbabasa ng libro.

"Goodmorning hija! Maupo ka na dito at malapit na rin naman akong matapos sa niluluto ko" bati sakin ni manang. 

"Goodmorning manang! Morning kuya! Mukhang masarap po ang niluluto niyo ah" bati ko naman pabalik sa kanila.

"Morning"si kuya.

"Sila mom?" Tanong ko habang kumukuha ng mansanas.

"Umalis na kanina pa. Ikaw kase eh tagal mong gumising" pangaasar ni kuya.

"Tsk! Ang aga aga ko na ngang gumising eh" sagot ko naman.

Di naman na ako nagtataka na wala sila mama dito sa bahay. Lagi naman silang wala kung hindi dahil sa trabaho ay dahil naman sa pagtratravel sa ibang bansa. Alam ko dapat matuwa ako dahil kumpleto ang pamilya ko pero pano ako matutuwa kung ang turing naman sakin ni papa ay parang isang pabigat lang sa pamilya.

"Tigilan niyo na nga yan at baka magaway na naman kayong dalawa. Bilisan niyo na diyan at baka malate pa kayo" sabi ni manang samin.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid na ako ni kuya sa school.

Iisang school lang ang pinapasukan namen kaso nga lang nasa magkaiba kami ni kuya ng building kase college na siya.

"Oh pano magiingat ka na lang ah. Mamaya susunduin kita kaya hintayin mo na lang ako. Wag kang pasaway graduating year mo na 'to Rey siguraduhin mo lang na aayusin mo na 'to this time." Seryosong sabi ni kuya saken.

Tss magpapaalam na nga lang may sermon pang kasama.

"Dont worry kuya. I'll do my best na." Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok ng school. Malaki yung school at marami din ang mga buildings na nasa loob nito. Ang alam ko ay may dormitory din sa school nito kaso hindi naman pumayag si kuya na sa dorm ako tumira.

"Ingat. Make friends okay?" Sigaw ni kuya saken.

Tinanguan ko na lang siya at kinawayan.

Pumasok ako ng school at nakita ko ang mga estudyante ng school namen. Hays! Pano ba 'to wala naman akong kakilala. May mga kumaway at isang pilit naman na ngiti ang binigay ko sa kanila.

Agad akong pumunta ng office para naman makuha ko na yung combination ng magiging locker ko at para naman malaman ko yung schedule ko.

Asan ba yun?

Linibot ko ang aking mga mata hanggang sa mahanap ko yung office.

*knock knock*

"Hello! You must be one of the new students, Am I right?" Tanong sa aken nung babae na nakaupo.

Pakiramdam ko siya ang headmistress ng school.

"Yes. Im here to get my schedule and locker combination." Sabi ko sa kanya.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon