Chapter 10

27 5 0
                                    

E L I J A H ' S  P O V

Hi! Im Elijah Bryxter Marquez.

*ring ring*

"Oy! Dalian mo nga! Diretso ka sa court may announcements daw! Bilisan mo ah!" Sigaw ni Kaiden mula sa kabilang linya.

Linayo ko ang phone ko sa tenga ko.

Loko 'to! Makasigaw parang hindi lalake.

"Wag ka ngang sumigaw. Loko ka dre!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Anuba! Bat ka ba sumisigaw? Ang sakit sa tenga dre" reklamo niya mula sa kabilang linya.

Aba! May saltek talaga tong isang 'to. Binabaan ko siya at naglakad papunta ng court. Wala talagang kwentang kausap yung isang yon.

Ano kaya yung announcements?

Pagdating ko sa court ay nakita ko agad sila Jordan at umupo naman ako sa tabi nila. Marami rami na rin ang mga estudyante kaso magsisimula lang daw kapag kumpleto na lahat. Tss malalaman pa ba nila kung may kulang?

Pamamaya maya ay umakyat na si Sir. Chavez yung head ng sports ng school sa stage.

"Goodmorning students! Di ko na papatagalin ang announcements okay. Let's start shall we? Alright so alam kong most of you know that joining of clubs should still be next month. Pero this year it was moved kaya this week ang joining of clubs. All of you could start listing your names under the club you will be joining. And please join the club dahil gusto niyo dito at hindi dahil sa gusto ito ng mga kaibigan niyo. Everyone who would be joining the sports club should be ready for the try-outs in the next few weeks. And I would like to inform you all that there will be no classes for today. Uulitin ko lang, pick wisely students." Sabi ni Sir. Chavez.

Nagsimula naman mag-ingay ang mga students.

"Sports club pa ren tayo right?" Tanong ni Jordan.

"Malamang. Alangan namang magdance club tayo. Kaya mong sumayaw?" Sarkastikong sabi ni Kaiden.

Pwede namang sumagot na lang ng oo eh.

"Sa tingin niyo ba dance club pa ren si Kris. Kase kung dance club siya dun na lang den ako. Natututunan naman ang pagsasayaw diba?" Sabi ni Kaiden.

"Tanungin mo kaya. Kami ba si Kristina? Hindi diba?" Pabalang na sagot ko naman.

Pano ba naman kasi wala ng ibang bukang bibig kung hindi si Kristina niya. Langya kinikilig palagi ang loko. Hanggang sa clubs ba naman ay nasasali niya pa ren si Kristina sa topic.

"Nagtatanong lang eh. Problema mo dre?" Sabi ni Kaiden.

"Ops! Tama na. Basta sports club tayong tatlo." saway ni Jordan samin.

"Mauna na kayo ah. Wag niyo na akong hintayin. Hahatid ko pa si Kristina sa klase niya eh." Sabi ni Kaiden at tumayo na.

Anong ihahatid? Hindi niya ba narinig na walang klase buong araw?

"Ulol! Di ka naman talaga namen iintayin eh." Natatawang sabi ko.

"Tsk! Wag kang ganyan saken. Sige ka di kita ililibre mamaya" sabi ni Kaiden at naglakad papunta kayla Kris.

"Joke lang. Hindi ka na mabiro." Sigaw ko naman.

"Hayaan mo na siya. Mapapahiya naman siya eh. Panoorin na lang naten." Natatawang sabi ni Jordan.

Pinanood namin si Kaiden na inakbayan pa si Kristina. Nagusap sila at pagkatapos ay naglakad si Kaiden pabalik samen na nakasimangot at namumula pa dahil sa kahihiyan.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon