ADRIAN'S POV
Hey! Im Adrian Louis Azares.Tinulungan ko si mama sa pagligpit ng mga pinggan dahil umakyat na rin naman si Audrey. I know she's not okay.
"Is your sister okay? Kamusta studies niya?" Concerned na tanong saken ni mama.
"She's fine para saken. You know Audrey she never opens up to someone. Kahit pa po kuya niya ako ay wala po siyang sinasabi saken." Paliwanag ko kay mom.
I looked at dad na para bang walang makialam sa mga nangyayare sa paligid niya. Dahil sayo nagkaganon kapatid ko. Kung hindi dahil sa kaniya wala kami sa sitwasyon na ganito. Tumingin ako kay mama at nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.
"Im sorry. Alam kong kasalanan ko 'to" mangiyak iyak na sabi ni mama.
"Ma wag mong sisihin ang sarili mo dahil wala ka namang kasalanan. Fate changed her. She is who she is right now dahil ginusto niya ito." Sabi ko kay mom trying to reassure her.
Malaki ang pinagbago ni rey simula nung nangyari few years ago. She started to shut people out kahit ako na kapatid niya ay parang wala ng lugar sa mundo niya. Naging tahimik ang dating masayahin na Audrey. Kung ngumiti siya ay paminsan na lang at kung ngingiti naman siya ay pilit lang ito.
"Could you check on her? Check if she's okay Adrian please" pakiusap saken ni mama.
Tumango naman ako at pumunta sa kwarto ni Audrey. Gabi gabi ko naman tong ginagawa kaya naman pumayag na ako agad. Pumasok ako ng kwarto niya at nakitang hindi siya nakakumot.
Ang lamig lamig ayaw mong magkumot!
Lumapit ako sa kanya at kinumutan ko siya. Mukhang umiyak na naman tong isang 'to. Alam mo namang ayaw kitang nakikitang umiiyak pero umiyak ka pa ren. Nagulat ako ng bigla niyang imulat ang mga mata niya.
"Kuya ano ginagawa mo dito?" Tanong niya saken at umupo ng maayos.
Kinuskus niya ang mga mata niya na parang bata. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan siya. Umiyak nga siya.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot. Tumingin siya saken at nakita kong naiiyak na siya. Wag kang iiyak Rey. Ayaw kong nakikitang umiiyak kapatid ko.
"Kuya ayoko na" sabi niya saken at tumulo na ang luhang kanina niya pa pinipigilan.
Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinimas himas ang likod niya. Kapatid mo nga ako pero kahit ako ay hindi ko alam ang gagawin ko para mapagaan ang sakit na nararamdaman mo.
Im sorry kung walang magawa si kuya. If I can transfer the pain na nararamdaman mo saken ay matagal ko ng ginawa.
I hate seeing you like this. Ayokong nakikita kitang umiiyak.
"Ku----kuya. Pagod na a---ako." Pilit na sabi niya saken habang patuloy ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata niya.
"Shhh Audrey tahan na. Andito lang naman si kuya eh." Pilit na patahan ko sa kanya.
Umiyak lang siya ng umiyak.
"Kuya dito ka lang ah" sabi niya sa aken
"Oo naman. Wag kang magalala dito lang si kuya." Sabi ko sa kanya.
Pamamaya maya ay nakatulog na pala siya.
Wag kang magalala Rey dito lang ako.
Napangiti ako ng napansin kong mahimbing na siyang natutulog. Lumipas ang ilang minuto at nakaramdam ako ng antok kaya naman isinandal ko na ang ulo ko sa ulo niya.
Sana palagi ka ng magopen up saken. Para naman maramdaman ko na may kwenta akong kuya. Pamamaya maya ay naramdaman kong unti unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako ng walang Audrey sa tabi ko.
Asan na naman yun?
Inilibot ko ang mga mata ko sa kwarto niya ngunit di ko siya mahanap. Baka naliligo. May pasok nga pala kame. Tumayo na ako at inayos ang kama niya. Napangiti ako ng makita ang stuff toy na binigay ko sa kanya nug nag-13 siya.
Her 13th birthday. Gusto ko mang kalimutan ang nangyari nung araw na yun ay hindi ko magawa. Becaue of that day ay hindi ko na nakita pa ang Audrey na kapatid ko.
Bago ako umalis ng kwarto niya ay kumuha ako ng sticky note at nagsulat dito.
Maliligo lang ako ah. Kapag may kailangan ka katok ka lang.
Dinikit ko ito sa phone niya para madali niyang makita. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa kwarto ko. Papasok na sana ako ng marinig kong nagsisigawan sila mama sa kwarto nila.
Tss. Siguraduhin niyong hindi niya maririnig yan.
Naligo na ako at gumayak at bumaba ng kwarto. Wala na siguro sila mama. Hindi man
Ang nagpaalam samin. Pagbaba ko ay nakita kong nakaupo na si Audrey at kumakain ng cereal.Matamlay ang mukha nito.
"Oh hijo. Umupo ka na dito at kumain ka na. Ayaw kumain ng kanin ng kapatid mo. Sayang at pinagluto ko pa naman kayo ng paborito niyo. Kaya ikaw na kang ang kumain ng mga niluto ko." Sabi ni manang at pinaghanda ako.
"Kumain ka nga ng kanin. Dali na. Tingnan mo nangangayayat ka na oh" sabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng plato at kutsara't tinidor at linagyan ito ng maraming ulam.
Umupo ako sa tabi niya.
"Dali na susubuan kita." Sabi ko sa kanya.
Tumingin siya saken at ngumiti.
"Kuya hindi na ako bata noh" natatawang sabi niya saken.
"Dali na. Say ahhhh! The airplaine's landing na oh" sabi ko sa kanya habang iniikot ikot ang kutsara sa ere na parang totoong eroplano.
May sound effects pa para mas sweet.
Kinain naman niya ang sinubo ko.
Sige na kuya. Kaya ko na. Ikaw naman ang kumain at baka malate pa tayo niyan." Sabi niya saken at kinuha ang kutsara't tinidor mula sa mga kamay ko at nginitian ako.
Kumain na kang kame at nagusap. Pamamaya maya ay umalis na kame para pumasok.
"Oh magiingat ka ah." Sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok niya.
"Kuya naman" inis na sambit niya habang inaayos ang buhok.
Tinalikuran niya na ako at nagsimulang maglakad palayo. Hindi man lang ako yinakap.
"Hoy! Nakalimutan mong yakapin kuya mo" sigaw ko sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad.
Tumalikod ito at tumingin saken. Dinilaan ko naman siya. Yan kase ayaw mo akong yakapin eh. Naglakad siya palapit saken na parang hiyang hiya na. Yinakap naman niya ako pero saglit lang. Mga 3 seconds lang siguro.
"Sige na umalis ka na. Baka malate ka pa" sabi niya saken at naglakad na palayo.
Napatingin ako sa malayo ng nakita kong may nakatingin kay Audrey na lalaki.
At sino naman yon?
Baka stalker ng kapatid ko. Kailangan ko siyang sabihan na magingat.
Hinabol ko si Audrey.
"May stalker ka ata. Magingat ka ah" bulong ko sa kapatid ko.
Tumawa naman ito ay naglakad na palayo. Naglakad na ren akong papuntang kotse at pagsakay ko ay agad akong napangiti.
Sana ganito tayo palagi little sis.
Pinaandar ko na ang kotse at dumiretso na sa school ko.
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...