Chapter 15

22 2 3
                                    

I think I hit the point in life where
Im just done.

I cried.
I fought.
I tried.

But everything is crashing down.

My demons are sreaming louder,
Trying to eat away the rest of me.

And this time,
Im not going to fight back.

                                R.P

AUDREY'S POV

"Wala ka bang klase?" Tanong ni Jordan at umupo sa tabi ko.

Nakatingin ako sa malayo at nakita ko si Clyde na nakatayo at sinesenyasan akong pumunta sa kanya.

Anong ginagawa ng gagong yun dito?

"Audrey may klase ka ba daw?" Si Kaiden habang kumakaway sa harap ko.

"Huh ah wala. Sige na mauna na kayo. Sige mauna na ako ha. Ingat." Paalam ko sa kanila.

Patuloy ako sa paglalakad at di na muling lumingon kayla Jordan.

Ng makarating ako sa kinaroroonan ni Clyde ay tiningnan ko siya ng masama.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

"Chill ka lang Azares. Im just here to ask a favor." Sabi niya saken at ngumisi.

"Anong pabor naman yan? Dalian mo at naiinip na ako" madiin na sabi ko.

"Be friends with them. Alam kong kilala mo ang mga tinutukoy ko." Si Clyde.

"Di ko kayo matutulungan diyan." Sabi ko at kinuyom ang mga palad ko.

"Tulungan mo na lang kami. C'mon Audrey all you have to do is makipagkaibigan sa kanila. Earn their trust." Sabi nung lalaki sa kanya.

"I have no plans on helping you Clyde. Umalis ka na." Giit ko.

Napalitan ng galit ang mga mata ni Clyde.

"Ang simple lang ng pinapagawa ko sayo." Seryosong sabi niya.

"Umalis ka na. Baka mamaya may makakita pa sa atin." Sabi ko at tinalikuran siya ng biglang hawakan niya ang kamay ko.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Tss. Hihintayin ko ang desisyon mo. Three days Azares. Three days." Nagbabantang sabi ni Clyde.

Kinuha ko ang kamay ko mula sa hawak niya at naglakad palayo.

Kaya lang naman gusto kong tapusin ang usapan namin ay dahil alam kong sumunod sakin sila Jordan.

Nakita kong tumakbo sila papunta sa isang building ng school para magtago.

Magtatago na nga lang gagawa pa ng ingay. Tanga talaga tong mga 'to.

Pumunta ako sa pinagtataguan nila at pinanood ko kung pano nila Jordan pinapatahimik at tinatakpan ang bibig ni Kaiden.

"Alam kong nandon kayo kaya wag na kayong magtago." Malumanay na sabi ko.

Isa-isa silang lumabas at kumaway sakin.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon