JORDAN'S POV
Hello! Im Jordan Ace Enrile.
Maaga akong nagising ngayon at hindi ko alam kung baket.
Naligo na ako at gumayak at tsaka bumaba ng ng kwarto.
Pagbaba ko ay nakita kong nagluluto si mom.
"Goodmorning anak! Halika na kumain ka na. Pinagluto kita ng paborito mong breakfast. Bacon and eggs!" Maligayang bati ni mom saken.
Napangiti naman ako. Kahit kelan talaga ang maasikaso ni mom saken.
Umupo na ako at nagsimula ng kumain.
"Hindi pa ba gising ang kapatid mo?" Tanong ni mom.
"Tsk! Mom alam mo naman na tulog mantika yung isang yon!" Sabi ko kay mom.
Tiningnan ako ni mom at natawa.
"Sige na gisingin mo na ang kapatid mo" sabi ni mom.
Tsk! Anubayan.
Umakyat ako at pumunta sa kwarto niya.
Pumasok ako at nakita kong natutulog pa.
Anak ng! Tulog pa talaga!?
"Hoy! Gising! Late na naman tayo niyan dahil sa ginagawa mo eh! Oy! Jace! Jace! Jacob gising! gising!" Sigaw ko sa kanya.
Aba loko to ah!
"Anuba kuya! Natutulog pa ako eh!" Sigaw naman niya.
Sige matulog ka at ng maubusan kita ng pagkain.
Loko to ah!
"Hoy ikaw! Baka nakakalimutan mong ako ang naghahatid sayo?" Sigaw ko sa kanya.
Di pa ren gumising.
Di ka gigising ah.
Bumaba ako at kumuha ng dalawang baso mula sa kusina.
"Oh anak anong gagawin mo sa mga basong yan?" Tanong ni mom saken.
"Gigisingin ko po kapatid ko" sabi ko kay mom at pinuno ng malamig na tubig ang dalawang baso.
Tingnan kang naten kung hindi ka pa gigising.
"Basta wag kayong magaaway ah! At sabihin mo sa kapatid mo wala akong kinalaman diyan!" Natatawang sabi ni mom saken.
Bumalik ako sa kwarto niya at nakita kong natutulog pa ren ang loko. Lumapit ako sa kanya at binuhos sa kanya ang dalawang basong tubig. Bigla naman siyang bumangon at tumingin saken ng masama.
"Kuya ano trip mo ha! Loko ka ba kuya!? Pwede namang gisingin ng maayos ha!?" Sigaw niya saken.
Nakarinig naman kame ng tumatawa at nakita namen si mom na nasa pinto na kumukuha ng video habang tumatawa.
Lakas din ng trip ng nanay namen ah!
"Oy tigilan niyo na yan! Baba na at kumain na kayo. Kapag di pa kayo bumaba i-uupload ko toh!" Sabi ni mom at dinilaan pa kame.
Nagkatinginan naman kame ni Jace.
"Bilisan mo na diyan! Baka i-upload nga ni mom yung video." Sabi ko sa kanya at bumaba na.
Umupo na ako nakita kong pinapanood ni mom yung video na kinuha niya kanina.
"Ang cute niyo ng kapatid mo" sabi ni mom saken.
"Tsk! Ako lang po ang cute noh. Hindi si kuya" sigaw ni Jace habang papunta samen.
Loko to ah!
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...