Chapter 4

53 5 0
                                    

KRISTINA'S POV
Hi! Ako nga pala si Kristina Laurent Villanueva.

Kung gusto niyong may malaman tungkol saken balik na lang kayo sa prologue. Hahahaha

Lunch break namen ngayon.

Sa totoo lang ay wala talaga ako sa mood. Gusto niyong malaman?

Tsk! Wag na.

Pamamaya maya ay dumating na si Peyton at may kasama siyang babae.

Sino naman yun?

"Peyton sino namang yang magandang babaeng kasama mo ha? Pakilala mo naman!" Sabi ni Brent kay Peyton kaya naman binatukan ito ni Cassy.

Itong dalawang toh talaga. Aminin niyo na kase sa isa't isa. Nahihiya pa kayo eh.

"Oy Brent! Wag si Audrey ha! Marunong ata manapak tong babaeng 'to!" Sabi Peyton kay Brent at tsaka umupo.

"Marunong ka manapak? Sige ka sapakin mo nga 'to! Bakit ba ngayon ka lang nagtransfer dito? Dapat dati pa para meron ako tigasapak dito sa mokong na 'to!" Natatawang sabi ni Cassy kay Audrey.

Ngumiti lang si Audrey kay Cassy.

Masyado naman atang tahimik ang isang 'to.

Nubayan! Badtrip! Gusto ko ng magingay eh. Kaso kapag ginawa ko yon sayang naman yung page-emo ko diba?

Bakit naman kase magemote pa ako eh.

Loko ka kase! Di ka kase nagiisip!

Loko tong isip ko ah! Kakampi kita dito brad! Wag kang ganyan.

Bahala ka sa buhay mo ngayon. Di ka kase nakinig saken!

Sorry na nga diba?

Teka nga! Bat ba ako nakikipagusap sa utak ko! Nababaliw na ba ako?!

"Hoy Kristina! Di ka ba manlang ba babati kay Audrey?" Sabi ni Peyton saken.

Kinawayan at nginitian ko na lang siya.

"Ako na magoorder ng pagkain" sabi ni Brent at tumayo.

"Yun oh! Dapat ganyan palagi Brent para naman may pakinabang ka." Natatawang sabi ni Cassy.

Pwede naman kasing magthank you na lang diba?

"Teka asan ba si Ethan?" Tanong ko sa kanila.

"Hays! Buti naman at nagsalita ka na. Akala ko di ka na magsasalita eh!" Natatawang sabi ni Cassy.

Kahit kelan talaga ang ingay nitong isang 'to.

"Ayan na oh" turo ni Peyton kay Ethan na papunta na sa table namen.

"San ka ba nanggaling ah? Buong araw ka namen di nakita" sabi ni Peyton.

Kumuha ng upuan si Ethan at umupo sa tabi ni Audrey.

Nako! I smell something fishy.

"Late na akong nakapasok kanina. Sa laki ng school naten sa tingin niyo madaling magkita tayo?" Sabi ni Ethan samen.

Well may point naman siya.

"Hi ako nga pala si Ethan!" Pakilala ni Ethan kay Audrey at nakipagshake hands pa.

Tinamaan ata tong isang toh ah.

"Audrey" pakilala naman ni Audrey at ngumiti.

"Si Brent?" Tanong ni Ethan at lumingon lingon pa.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon