Chapter 8

43 5 6
                                        

B R E N T ' S   P O V

Pagdating ko ng school ay dumiretso na agad ako sa pinagtatambayan namen.

Tsk! Baka batukan na naman ako ng mga yon. Pagdating ko don ay nakita kong nagtatawanan sila at nagkwekwentuhan.

"Oh andyan na pala si Brent eh" sabi ni Ethan ng nakalapit na ako sa kanila.

Umupo ako sa gitna nila Ethan at Cassy.

Baket kayo magkatabi?

Nakita ko namang tumayo si Kris mula sa kinauupuan niya at umupo naman sa gitna namen ni Cassy. Tiningnan ko siya.

Loko to ah! Kita namang gusto kong makatabi si Cassy eh.

Hindi ba pwedeng maging supportive na lang sila sa feeligs ko. Minsan ko na nga lang makatabi si Cassy.

"Oy! Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Hahahahah di bagay sayo." Sabi ni Kris saken at binatukan ako.

Nakakailan na kayo ah!

"Ano ba? Lagi niyo na lang ako binabatukan ah! Sa inyo ko kaya gawin! Ang saket kaya. Child abuse na tong ginagawa niyo eh!" Sigaw ko.

Tumahimik naman sila at biglang tumawa.

Aba! Anong nakakatawa?

"Hahahahaha ang pikon mo naman" tumatawang sabi ni Cassy.

Tsk! Pasalamat ka gusto kita.

"Chill ka lang Brent." Sabi ni Ethan at tumatawa pa ren.

"Aich! Halika na nga Cassy. Ihahatid na kita sa klase mo." Sabi ko at tumayo.

"Yiieee! Nakss! Ihahatid niya si Cassy." Pabirong sabi ni Peyton.

Isa ka pa eh!

Tumayo na si Cassy at nagpaalam. Nagsimula kaming maglakad papunta sa klase niya. Ng nakarating kame sa classroom niya ay tumingin siya saken.

"Brent! Yung libro ko! Naiwan ko sa locker ko. Kunin mo nga!" Sigaw niya saken.

Ang ingay nitong babaeng 'to.

"Yoko nga! Ano ko? Utusan mo?" Sabi ko sa kanya.

Tinalikuran ko siya at naglakad papunta ng klase ko ng madaanan ko ang locker ni Cassy. Kahit pa ayaw ko ay wala naman akong magawa kaya kinuha ko na lang ang libro niya.

Aich! Pasalamat ka malakas ka saken eh.

Kinuha ko ang libro niya at pumunta sa classroom niya.

Tsk! Dahil sayo malalate pa ako sa klase ko.

Ng makarating ako sa classroo niya ay nakita kong nakikipagtawanan siya sa isang lalake. Parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

Baket ganon? Baket parang ang saket?

"Brent. Ang ginagawa mo dito?" Biglang nagtanong yung babaeng nakaupo sa tabi ko.

"Ah pwede pabigay kay Cassy?" Tanong ko at inabot ang libro ni Cassy.

"Huh? Baket hindi na lang ikaw? Wala pa naman ang lec namin eh" Nagtatakang tanong niya saken.

"Malalate na kase ako eh. Pabigay na lang. Thank you" sabi ko at nilapag ang libro ni Cassy sa table niya.

Tumango na lang siya at nginitian ko naman siya. Naglakad ako palayo ng classroom niya at dumiretso sa may field. Parang nawalan ako ng gana magaral ah.

Baket ba kase ang sakit?

Tsk! Kase gusto mo siya eh.

Ganon ba yon?

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon