AUDREY'S POV
Science class namen ngayon.Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nakikinig sa usapan ng mga classmates ko. Di ako chismosa ah. Sadyang wala lang talaga akong magawa.
Nung dumating ang lec namen ay umupo na ren ang mga kaklase ko.
"Goodmorning class!" Maligayang bati ng lec namen.
Naglakad lakad siya sa harap at tumingin sa amin ng nakangiti hanggang sa ilipat niya ang paningin niya sa akin.
''Today I will assign your partners for this years seating arrangement.'' sambit nya sa amin.
''I'm Mr. Mendoza your Science teacher for this year that's all you need to know about me. Since this is your first day meeting me and vice versa you would need to introduce yourselves here in front. ''
Shucks, di panaman ako sanay sa public speaking anong gagawin ko?
''You in the red and black flannel come forward and introduce yourself. '' sabi nya habang nakaturo sa akin.
Putek naman just my luck ako pa talaga ang naunang napili ni Sir. I shyly went forward at tumingin sa aking mga kaklase.Napansin ata ni sir na nahihiya ako kaya't nag tanong nalang saakin si Sir nang hindi ako naka tunganga sa harapan.
''What's your name hija?"
''Ako nga po pala si Audrey Rhailene Azares but you can call me what ever you're comfortable with. '' pagpapakilala ko.
''If I can call you what ever I want to can I call you 'Mine'? ''bigkas ng isang lalaki sa likod.
Aba gago! tarantado ata yun ah banatan ko yun eh.
"Marquez ano ba? Please show respect to Ms. Azares! Hija maupo ka na at pasensya ka na sa kanya." Sabi ni Mr. Mendoza.
Tumango lang ako nginitian siya. Tiningnan ko ng masama yung lalaking yon na nakangisi pa ngayon. Loko yun ah! Upakan kita diyan eh. Umupo na ako sa upuan ko at nagpakilala rin ang iba pang estudyante.
"Okay now that you have an idea kung sino sino ang makakasama niyo for these year lets do our sitting arrangements" paliwanag ni Mr. Mendoza.
May kinuha siyang papel mula sa table at binasa ang nakasulat dito. List ata siya ng mga pangalan ng estudyante na magiging magkapartner. Nagsimula ng basahin ng lec namen ang magiging magkapartner.
"Okay next we have Ms. Azares and Mr. Marquez. Both of you will be sitting at the back of Mr. Enrile" sabi ng lec namen at tinuro ang dalawang bakanteng upuan sa likod nung Jordan ata at ng isa pang lalake.
"Hi! Im Elijah nga pala. You're one of the transferees hindi ba? Pasensya ka na sa don sa pinsan ko ah palibiro lang talaga yon." Bati niya sa akin.
"I'm Audrey. Oo im one of the transferees. Ays lang." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Well kung gusto mo sa amin ka na ng mga kaibigan ko sumabay mamayang lunch break." Yaya niya saken.
"Ah di na. Thank you na lang" sabi ko.
"Sige pero sa susunod ah sabay ka naman sa amin. I think I would like to get to know you" sabi niya sa aken.
Ang bait naman nito.
Nagusap lang kame since wala naman daw discussion ng biglang humarap yung dalawang lalake na nakaupo sa harap namen.
"Di ako sasabay mamayang lunch ah. May gagawin ako eh" sabi nung isa.
"Dre! Eto nga pala si Audrey. Audrey eto si Jordan and eto naman ay si Kaiden" turo niya sa mga kaibigan niya.
"Hi Audrey!" Bati saken nung Kaiden.
Tumingin naman ako kay Jordan at nginitian siya.Tinanguan lang ako ng loko.
Ayos 'to ah! Mahirap magsalita?!
Magkatapos ng ilang minuto ay nagring na ang bell. Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam sa kanila.
Next class is history.
Kailangan ko na lang hanapin yung room.
Asan kaya yun mahahanap?
Naglalakad ako ng biglang nakita ko si Peyton. Nginitian ko ito. Nginitian din niya ako at tsaka nilapitan.
"Musta unang klase mo?" Tanong niya sa aken.
"Ayun okay naman. Nakapartner ko yung Elijah na tinuro mo kanina" sabi ko sa kanya.
Nakita kong nanlaki ang mata nung sinabi ko ang pangalan ni Elijah.
Tsk! May lihim na pagtingin pala 'to kay Elijah ah.
"Talaga? Ano mabait ba siya sayo? Ansabe?" Sunod sunos na tanong ni Peyton.
Hindi ka ren halata eh noh?
Natawa naman ako sa kanya "He's fine. Mabait at friendly"
"Anong susunod klase mo?" Tanong niya sa aken.
"History ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.
"History den. Tara sabay na tayo" yaya niya sa aken.
Tumango na lang ako at nagsimula na kame maglakad.
Ng nakarating kami sa classroom ay wala pang masyadong tao kaya naman nakapili pa kami ng upuan. Kaya magkatabi kami.
"Sabi nila medyo strict daw teacher naten pero may kabaitan naman daw" sabi niya saken.
Nagsimulang magdatingan ang mga kaklase namen at may biglang tumayo sa harap ng lamesa ko.
"Tayo. Gusto ko diyan umupo" sabi niya sa aken.
Tumingala ako at nakita ko ang kabuoan ng mukha niya. Tsk! Makalagay ng make up akala mo wala ng bukas.
"Sorry pero nauna naman ata ako. At wala naman akong pangalan na nakikita na nagsasabe na sayo toh" malumanay na sabi ko sa kanya.
Aba eh loko 'to ah! Binili niya ba tong upuan at lamesa na 'to!?
"Who are you to speak to me like that huh?" Sagot niya saken.
Di mo magugustuhan malaman. Aba di talaga ako lulubayan ng impaktitang 'to ah.
"Kaycee tama na pwede ba. Nauna siya dito at besides ang daming bakanteng upuan oh." Sabi ni Peyton.
"Kinakausap kita Peyton? Kapag sinabi kong gusto ko dito umupo dito ako uupo. Kaya umalis ka diyan!" Sigaw ni Kaycee saken.
Malayo tayo sa isa't isa?! Loko ka ba? Ang lapit lang naten oh!
Magsasalita pa sana si Peyton pero pinigilan ko na lang siya. Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko.
"Para lang sa upuan nagkakaganyan ka. Tsk! Kung gusto mo sa upuan na 'to edi sayo na!" Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ko ang galit ko.
Kung hindi lang ako new student eh baka kung ano na nagawa ko don. Bwiset!
Lumipat ako ng upuan at tumabi na lang den si Peyton saken. Panira ng araw yon ah!
Dumating ang lec namen at nagpakilala na naman kame. Matagal tagal ren ang klase kaya naman nagugutom na ako. Nagusap lang kame ni Peyton pangpalipas oras.
"Mamayang lunch break naten ipapakilala na kita sa mga kaibigan ko" sabi ni Peyton saken at mukhang excited na excited.
"Sige" sabi ko sa kanya.
"Magugustuhan ka nang mga yon lalo na ni Brent. Hahahah mahilig yon sa babae pero wag kang magalala mabait yon" sabi ni Peyton.
Brent? Mahilig sa babae? Ano yun bading?
"Hindi bading si Brent, Dont worry. Sadyang mahilig lang sa babae" natatawang sabi ni Peyton na parag nabasa ang iniisip ko.
Nang matapos ang klase ay dumiretso kame sa canteen para kumain at ipapakilala na den daw ako ni Peyton sa mga kaibigan niya.
Hope I don't get to attached to them dahil ayokong may madamay pang iba.
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...