Chapter 14

34 3 3
                                        

And
in the end
All I learned
Was how
To be strong
Alone.
R.P

UNKNOWN PERSON'S POV

"Bilisan niyo diyan at magpractice na tayo." Sigaw ko sa kateam mates ko.

"Teka lang. Bat ba gusto mo ng magpractice? Eh next week pa naman ang start ng practice sabi ni coach ah." Sabi ng kaibigan ko.

"Kailangan natin matalo yung kabilang school. Alam kong alam niyo yan. Ayaw niyo naman sigurong mapahiya don sa court diba?" Sabi ko sa kanila.

"Tss sabihin mo gusto mo lang mapahiya yung Jordan ba yun?" sabi ng kaibigan ko.

Napailing iling ako at nagsimulang maglaro ng basketball.

"Ayusin niyo naman!" Sigaw ko.

"Huminahon ka nga. May ilang linggo pa tayong training." Sabi ng kaibigan ko saken.

"Kung gusto niyong matalo naten ang LHS galingan niyong maglaro!" Sigaw ko sa kanila.

"Anuba? Daig mo pa si coach kung pagalitan kame ah. Kung gusto mo magpractice edi magpractice ka magisa mo! Bwiset!" Sabi nung isa kong kateam mate at binato ang bola saken.

"Pagpasensyahan mo na yun. Bukas na lang ulit." Paalam naman ng isa ko pang kaibigan.

"Yan kase. Chill ka lang brad. Bahala ka baka sa susunod tayong dalawa na lang ang basketball players ng school naten." Pabirong sabi saken ng kaibigan ko.

"Bahala ka diyan" sabi ko.

Nagpatuloy ako sa paglalaro ng basketball kahit na magisa na lang ako.

Badtrip!

"Hoy! Lika na may klase pa tayo" sigaw saken ng kaibigan ko.

Binato ko ang bola sa kanya at kinuha ko ang gamit ko.

"Tingnan mo toh siya na tong sinundo at lahat siya pa ang may lakas na loob na mangiwan! Pakyu ka!" Sigaw niya saken at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

"Tss Ang ingay mo halika na diba malalate na tayo?" Sabi ko.

Pagpasok ko sa classroom ay dumiretso agad ako sa upuan ko.

"Bat ba wala ka sa mood ha?" Tanong na naman sakin ng kaibigan ko.

"Wala di lang talaga maganda gising ko" paliwanag ko.

DISCUSS.

DISCUSS.

Natapos ang araw at hindi mawala sa isip ko ang palapit na Interhigh.

Humanda ka sakin Enrile. . . . .

ELIJAH'S POV

"Tara practice tayo?" Yaya ko.

"Sige tara wala naman na daw klase diba?" Sabi ni Kaiden.

Tumango lang ako at dumiretso na sa court.

Pagdating namin sa court ay nakita namin si Audrey na naglalaro ng basketball magisa.

"Panoorin muna natin." Bulong ni Kaiden.

Tumango naman kami ni Jordan at pinanood si Audrey habang naglalaro magisa.

CLAP! CLAP!

"Ang galing mo Audrey! Grabe! Whoooo" sigaw ni Kaiden habang pumapalakpak.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon