PEYTON'S POV
I'm Peyton Roselle Buenaventura.Pangalan ko lang muna ang malalaman niyo ah. Wag kayong magalala marami pa kayong malalaman tungkol saken. Naglakad ako papunta sa classroom ko. Kakatapos ko lang itour around yung bagong student. Audrey ata pangalan. Nakalimutan kong itanong ang pangalan niya.
Pagkarating ko sa classroom ay wala pa ang lec namen kaya naman maingay pa ang classroom. Halatang wala pa ang lec dahil sobrang ingay ng classroom namin.
Dumiretso ako sa upuan ko at binati ako ng mga kaibigan ko.
"Oh bat ang tagal mo naman ata?" tanong ni Brent saken. Isa sa mga kaibigan ko.
"Eh diba nga siya yung isa sa mga naka-assign magtour sa isa sa mga new students. Di ka ba nakikinig kanina?" Sabi naman ni Cassy.
"Ah yun ba yung pinaguusapan natin kanina?" Napahawak sa leeg niya si Brent.
"Yan kase. Anong klase kang kaibigan?" Binatukan niya si Brent.
Etong dalawang 'to. Walang araw na hindi nagaway.
"Hoy! Tama na sa bangayan. Baka magkatuluyan." Sigaw ko sa kanila kaya naman napatigil sila.
Tumingin ng masama ang dalawa saken.
"Yoko nga!" Sabay nilang sigaw.
"Kadiri ka ah!" Sabay ulit nilang sambit.
"Aich! Shut up nga kayo! Ang ingay niyo ah!" Inis na sabi ni Kristina.
Anong meron dito? Dati dati kapag ganito nakikisali pa siya sa gulo.
"Eh itong si Peyton kase eh. Kung ano anong pinagsasasabe" sabi ni Cassy at nanlisik ang mata.
"Anong ako? Eh kayo nga diyan ang sigaw ng sigaw sa isa't isa eh pero ang lapit lapit niyo naman. Subukan niyo kayang tumahimik."
Pamamaya maya ay dumating na ang lec namen kaya bumalik sa mga kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko at tumahimik.
"Goodmorning class!" Bati samin ng lec namen.
Bumati ren kame at umupo na para masimulan ang klase.
"Since first day of classes pa naman today. We wont have any discussions not unless gusto niyo?" Sabi ni Mr. Enchavez.
Naks! Bait ah.
Umiling lang kami dahil wala talaga kaming plano na magaral.
Tumawa si Mr. Enchavez.
"Alright then all of you could do anything you want. But please don't make to much noise." Tuloy pa ng lec namen.
Nagsimula ng magusap ang mga estudyante at sila brent naman ay iniharap sa amin ang upuan para makapagusap kami ng maayos.
"Peyton sino yung tinour mo kanina? Maganda ba? Mabait ba? " tanong sa aken ni Brent.
"Hoy ikaw! Tigil tigilan mo na nga yan. Pati ba naman yung new student idadamay mo sa kalokohan mo." Sermon ni Cassy kay Brent.
Tsk! Selos ka lang eh.
"Hinaan niyo nga boses niyo. Ang lapit lapit niyo sa isa't isa pero kung makasigaw kayo akala niyo nasa kabilang classroom yung isa." Saway ni Kristina.
"Makisali ka na lang para quits na tayo hahaha" biro naman ni Brent.
Tiningnan ni Kristina ng masama si Brent.
Ha! Sige inisin mo pa. Wala na nga sa mood yung tao eh. Tumahimik si Brent at tinawanan naman siya ni Cassy.
"Hayan kase." Tumatawang sabi ni Cassy.
![](https://img.wattpad.com/cover/147191661-288-k417896.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...