J O R D A N ' S P O V
I stared at the necklace na hawak hawak ni Kaiden habang pinagmamasdan ng mabuti. Who owns this necklace? At bakit kailangan kami ang magbalik?
"Sa tingin niyo mga dre kanino 'to?" Tanong ni Kaiden.
"Kami pa tinanong mo, malamang hindi rin namin alam." Pabalang na sagot ko sa kanya.
"Elijah oh si Jordan inaaway na naman ako." Sumbong nito sa kuya Elijah niya.
Ang unfair talaga ng friendship na 'to!
Nasa bar pa rin kami dahil wala pa naman kaming balak umuwi. Kanina pa rin kami naguusap tungkol sa necklace. Magtatanong pa sana kami don sa Lurraine kaso bigla namang may dumating siyang bisita kaya ending napaalis kami ng office niya.
"Uwi na tayo mga dre. Ang boring na oh mukhang wala pang plano lumabas yung dalawa mula sa office." Reklamo ni Kaiden.
Magsasalita na sana ako ng marinig kong nagbukas na ang pinto ng office ni Lurraine. Nakita namin na lumabas mula sa office niya yung lalaki at lumingon samin. Nakatakip ang mukha nito ng itim na panyo na may design at mata lang ang nakikita. Hindi ko masyadong makita pero dragon ata yung design sa panyo.
"Look away Jordan. Masyado kang halata." Kinalabit ako ni Elijah.
He just looks so familiar. Parang nakita ko na siya.
"Elijah doesn't he looks familiar to you?" Tanong ko sa kanya.
He looked at me at tumingin dun sa lalaki na palabas na ngayon ng bar at tumingin ulit sakin.
"No he doesn't looks familiar to me." iling niya.
Parang hindi siya sigurado sa sagot niya. He knows him. Pero hindi ko naman siya pwede kulitin dahil baka magalit pa ang isang 'to sakin.
"Let's go. Nakalimutan ko nangako pala ako kayla kuya na sa bahay ako magdidinner." Tumayo si Elijah at naglakad palabas na hindi man lang kami hinintay.
Sumunod kami ni Kaiden at pumunta sa mga kotse namin.
"Una na ako. Ingat." Paalam ni Elijah at umiwas ng tingin.
May mali talaga eh. Kilala niya talaga yung lalaki na yon.
"May problema ba dre?" Tanong ni Kaiden.
"Wala." Huling sinabi niya samin bago pinaandar ang kotse at umalis.
Nagkatinginan kami at nagpaalam na rin sa isa't isa.
I was about to go to my bedroom ng bigla kong narinig ang sunod sunod na mga mura ang sigaw mula sa kwarto ng kapatid ko. What the hell is going on?
Kumatok ako sa kwarto niya at hindi niya ata narinig kaya pumasok na lang ako.
"Kingina boss. Teka teka ano nangyari kay young master? Bat niyo kasi pinabayaan? Kingina naman boss wag ka namang sumigaw baka mabingi ako nito eh." Sagot ni Jace sa kausap niya sa phone niya.
"Sino kinakausap mo?" Tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sakin at namutla.
Binaba niya agad ang phone niya at tumingin sakin.
"Sino si boss? Sino yung tinutukoy mong young master?" Tanong ko ulit sa kanya at nakita kong napalunok siya.
"Si Luke lang yon kuya. Si young master naman yung nililigawan niya. Yun kasi tawagan nila." Paliwanag niya.
I wasn't buying his excuse. Kelan pa naging boss ang tawagan nila ng kaibigan niya?
"Di mo ako maloloko Jace. Now sino yung boss na tinutukoy mo?" May diin na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...