AUDREY'S POV
Pamamaya maya ay naguwian na at naghintay ako kay kuya sa labas ng school namen. Hindi na ren ako nakapagpaalam pa kayla Peyton dahil di ko na ren naman sila nakita.Asan na ba si kuya?
Hala! Baka iniwan na ako non ah!
"Baket di ka pa umuuwi?"
Tumingin ako sa kanya at si Elijah pala.
"Hahahaha sorry kung nagulat kita ah" sabi niya saken.
"Okay lang. Wag mo ng uulitin" sabi ko naman sa kanya.
Asan na ba kase si kuya?
"Di ka pa ba uuwi?" Tanong niya sa aken.
Uuwi na kaso wala pa sundo ko eh.
"Wala pa kase si kuya" paliwanag ko naman.
"May kapatid ka pala?" Parang manghang manghang na tanong niya.
"Oo"
"Anong pangalan? Dito din siya nagaaral?" Tanong na naman niya.
Masyado naman ata tong interesado kay kuya ah.
"Adrian. Adrian Azares. Oo, dito din siya nagaaral kaso sa college department siya" sagot ko sa kanya.
"Ah si Adrian. Siya yung laging panlaban ng school naten sa debate diba? At diba siya rin yung dating team captain ng basketball team?" Sabi niya at tumango na lang ako.
Kuya asan ka na? Antagal mo naman?
"Di ka pa ba uuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Uuwi na ren kaso sasamahan na muna kita dito" sabi niya sa aken at nginitian pa ako.
Bait mo naman.
"Hindi okay lang. Pamamaya andito na ren si kuya." Sabi ko sa kanya.
"Okay lang. Wala ren namang akong gagawin eh" natatawang sabi niya.
Nginitian ko na lang siya at ngumiti rin naman siya saken.
Pamamaya maya ay dumating na si kuya.
Loko! Antagal mo naman!
Bumaba siya ng kotse at nginitian kame.
"Sorry kung nalate ako. May ginawa pa kase ako eh." Sabi ni kuya saken.
Tumingin siya kay Elijah at nginitian ito.
"Hey, Thank you sa pagsama sa kapatid ko. Adrian nga pala" bati ni kuya kay Elijah.
"Okay lang. Elijah"'Bati naman ni Elijah.
"Sige mauna na ako. See you tomorrow Audrey" Paalam niya samin at nginitian pa kame.
Sumakay na ren kame ng kotse ni kuya at pinaandar niya na ito.
Katahimikan.
"Ang bait naman non" sabi ni kuya.
"Yah" Sang-ayon ko sa kanya.
"You made friends?" Tanong ni kuya saken.
"I guess I did. I dunno." nagaalinlangan na sagot ko sa kanya.
Tumingin saken si kuya "I guess? So hindi ka sure?"
"Oo. Di ko alam kung tinuturing na nila akong kaibigan eh" sabi ko kay kuya at sinandal ang ulo ko sa may window.
BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Teen FictionAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...