Chapter 11

29 4 14
                                    

K A I D E N ' S  P O V

Hi! Ako nga pala si Kaiden. Ako yung manliligaw ni Kristina.

Nasa canteen kame ngayon!

"Kristina ano gusto mong kainin? Libre kita" tanong ko sa Kris.

"Ah hindi. Wag na okay lang ako." Sabi naman ni Kris.

"Dali na. Treat ko naman eh" sabi ko.

Wag ka ng tumanggi. Minsan lang ako manglibre.

"Sige kahit ano na lang siguro" nahihiyang sabi niya.

"Oy! Pano kame? Libre mo ren kame!" Sigaw ni Cassy.

Ang lakas ng boses ng isang 'to. Di ba siya marunong magsalita ng hindi sumisigaw?

"Cassy! Nakakahiya ka ah" pinagsabihan ni Peyton si Cassy kaya naman napayuko na lang ito.

"Ano bang gusto mo Cassy?" Tanong ko.

Agad namang iniangat niya sng tingin niya na parang bata at lumaki pa ang mata.

"Ililibre mo ako? Talaga? Yieeeee! Sige ah gusto ko nung chocolate na cake tas samahan mo nung mga cookies mukhang masarap eh. Yung chocolate chip cookies ah. Mga apat na cookies. Tas pwede pabili ng choco crinkles. Mga lima siguro." Sabi ni Cassy.

Napanganga naman ako. Magkakasya ba lahat nun sa tyan niya?

Grabe naman 'to! Mauubos niya lahat non!?

"Cassy! Loko ka ba? Nakakahiya ka!" Sabi ni Kristina kay Cassy at tumingin saken "Ah Kaiden hahaha nagbibiro lang si Cassy." Patuloy pa niya.

Ang cute mo Kris.

"Ako na lang ang bibili ng kay Cassy." Biglang nagsalita si Brent.

Nakita kong napatingin si Cassy kay Brent at biglang namula.

Naks! May spark ah!

"Ha! Hinde wag na! Busog na pala ako! Biro lang yon!" Sabi ni Cassy at nagpeace sign pa.

Tumayo naman si Brent at pumila na.

"Loko to Brent na 'to! Sabing wag na eh" sabi ni Cassy.

Natawa naman ako at pumila na lang den sa likod ni Brent.

"You like Cassy?" Tanong ko sa kanya at ikinagulat niya.

Umuling lang ito saken at nagorder na. Nagorder siya ng burger at cake.

Hahaahha akala ko ililibre talaga niya si Cassy.

Ako naman ang nagorder at hinintay ako ni Brent. Pagbalik namen ay inilapag ko ang mga pagkain na binili ko para kay Kristina.

"Hala andami naman ng binili mo" sabi niya at parang manghang mangha sa mga pagkain na nakita at biglang namula ang magkabilang pisngi niya.

Ang cute mo.

"Hoy Brent! Sabing wag mo na nga akong ilibre eh" sigaw ni Cassy kay Brent.

Umupo si Brent at inilapag ang mga pagkain.

"Baket sinabi ko bang para sayo tong mga pagkain na 'to? Hindi lang ikaw ang nagugutom Cassandra." Sabi ni Brent at sinimulan kainin ang pagkain.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon