C A S S Y ' S P O V
Naiwan kaming dalawa ni Brent sa canteen.
"Don tayo sa field magusap" sabi ko sa kanya.
Ang awkward naman neto pero bahala na. Gusto ko na tong matapos kaya ako na gagawa ng first move.
"Anong bang paguusapan naten at kailangan sa field pa?" Tanong niya at nakataas ang kilay.
"Sige na dali na." Yaya ko sa kanya at hinila na siya papunta ng field.
"Oy dahan dahan lang. Ang haras mong humila ah" reklamo pa niya.
Nakadating kami sa field at umupo ako sa ilalim ng puno. Tiningnan ko siya at tinuro ang bakanteng pwesto sa tabi ko.Sumunod naman siya at umupo sa tabi ko.
Katahimikan.
"Baket mo ako iniiwasan?" Tanong ko sa kanya.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman kita iniiwasan ah" sabi niya saken pero nanatiling nakatingin ng diretso sa malayo.
"May ginawa ba ako? Galit ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Oo lagi kaming nagsisigawan pero mas gusto ko na yon kesa naman sa nagiiwasan kame. Nakita kong natawa siya at may binulong. Ano bang meron dito? Tumatawa magisa? Tapos bigla na lang bumubulong? Nasapian ata 'to ng masamang espirito.
"Hoy ano nga kasing problema? Bat mo ba ako iniiwasan ha!?" Sabi ko sa kanya.
Sumeryoso ang mukha ni Brent at tumayo "Kailangan ko ng umalis. May klase pa ako."
Maglalakad na sana siya palayo pero hinawakan ko ang kamay niya. Lumingon siya at tumingin saken at sa kamay ko na nakahanap sa kamay niya. Di ko alam pero parang may kung anong kuryente yung naramdaman ko.
"Hinde. Hindi ka aalis dito ng hindi tayo nakakapagusap ng maayos" sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at tumingin lang saken.
Ano bang problema mo?
"Baket mo ba ako iniiwasan ha? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang masama. Pero baket ka umiiwas saken?" Sabi ko sa kanya.
"Wala kang ginawang masama." Sabi niya at nanatiling nakatingin saken.
Eh bat mo ako iniiwasan?
"Then tell me! Baket mo ako di pinapansin? Bat mo ako iniiwasan?" Sigaw ko at naramdaman kong may namumuong luha na sa mga mata ko.
Baket ako naiiyak?
Tumingin ako sa kanya at biglang naramdaman kong tumulo ang mga luha galing sa mga mata ko. Baket ba ako umiiyak?
Ang oa ko naman ata.
Tumingin ako sa baba at nakitang lumapit si Brent papunta saken at-----
NIYAKAP NIYA AKO!
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko ang mabilis na tibok ng puso at parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.
"Im sorry. Wag ka ng umiyak." Bulong ni Brent saken.
"Bat mo kase ako iniiwasan?" Bulong ko naman sa kanya.
Loko ka eh! Kasalanan mo kung baket ako umiiyak ngayon!
"I like you Cassy. Gusto kita" mahinang bulong niya sa tenga ko.
I like you Cassy. Gusto kita
I like you Cassy. Gusto kita.
Nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Destined [ongoing]
Novela JuvenilAudrey Rhailene Azares. - has everything that anyone could desire in life. But like everyone else she has her own secrets. Secrets na pilit niyang tinatago mula sa mga taong naging parte ng buhay niya. Pero hanggang kailan kaya niya matatago ito? Ma...