Chapter 9

33 5 0
                                    

CASSY'S POV
Hellooooo! Cassy nga pala.

Nakita kong lumapit saken si Iris. Yung babaeng nakaupo malapit sa pinto.

"Pinabibigay nga pala ni Brent" sabi niya saken at inabot ang libro ko.

"Asan na siya? Bat di na lang siya ang nagbigay?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko alam eh. Malalate daw siya. Namumutla nga siya kanina eh" sabi niya saken.

Bat naman siya namumutla?

Okay lang kaya siya?

Tsk! Eh ano namang pake mo?

Kaibigan ko pa ren naman siya eh.

Okay lang yon. Si Brent pa.

Sabagay tama ka naman isip ko. Si Brent yon. Palagi naman yung okay eh.

Dumating na ang lec namen at nagsimula ng magklase. Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako ng canteen at nakita kong nakaupo na sila Brent. Tumabi naman ako kay Peyton at napatingin kay Brent.

Tahimik lang ito.

"Oy! Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya at tumango lang ito.

Anyare sayo?

Tumingin ako sa kanya at nagkatitigan kame. Nakita kong malungkot ang mga mata niya. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Ah sige mago-order na ako ng pagkain naten. Bayaran niyo ako mamaya ah" sabi ni Ethan.

"Sige sama ako" sabi ni Peyton at tumayo.

"Teka ako den. Wag niyo akong iwan dito wala akong planong maging third wheel" sabi naman ni Kris at sumunod kayla Peyton kaya naman napairap.

Katahimikan.

Magsalita ka naman oh.

"Anong nangyare? Bat ang tahimik mo? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya saken at tinanguan na naman ako.

Aba! Ayos ka ah!

Nag-aalala na nga ako eh. Tatanguan mo lang ako. Napatingin ako sa kanya ng narinig kong may binulong siya.

"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala" sambit niya at tumingin sa baba.

Hindi kame nagusap at hinintay na lamang sila Ethan. Pagbalik nila ay walang pinagbago at tahimik pa ren si Brent.

Ano ba kaseng nangyare sayo?

Natapos ang break at naghiwahiwalay na kame. Naglakad ako magisa papunta ng klase ko. Hindi niya ako hinatid.

Eh ano naman kung hindi ka hinatid?

Routine na namen yon eh. Nakakapanibago naman siya.

Pagpunta ko sa klase ko ay umupo na ako agad at nanahimik na lang. Di ko maiwasan hindi isipin si Brent. Ngayon lang yon naging tahimik eh. Hindi siya yon.

Nagsimula na ang klase at sinubukan kong hindi muna isipin si Brent pero di ko talaga maiwasan.

Discussion.

Discussion.

Uwian!

Hay salamat uwian na!

Nagpaalam na ako kayla Peyton at naghintay sa sundo ko. Mukhang pamamaya maya pa ata si manong dadating kaya naman pumunta muna ako ng canteen at bumili ng snacks.

Destined [ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon