Dedication:korean_blueangel AgathaSenpai for being the first ones to vote♥
---------------
*grooowl* napahawak ako sa tiyan ko. Jusko dalawang araw natong kumukulo huhu
"Tiis lang baby! Makakahanap din tayo ng patay.." Oops di bangkay kinakain naming mga kaluluwang gala ha, naghahanap kami ng lamay kasi dun lang kami pwede kumain. Yun ang sabi sakin ng mga senpai/sunbae ko dito sa mundo ng mga buhay.
Noong una nagulat ako kasi nakakaramdam nako ng gutom at uhaw di tulad dun sa itaas. Kaya nagtanong ako sa ibang gala din kaya naisama nila ako noong minsan. Kaso nga lang Biskwit at kape lang yung kadalasang handa sa lamay, may masasarap din namang inaalay mismo sa patay kaso baka magalit yung kaluluwa ng nilalamayan kaya iniiwasan ng iba yan. Noong unang beses ko nga nasabunutan yung isa sa mga kaluluwang sinamahan ko kasi tinikman yung lechon manok na nakapatong sa kabaong ng patay. (Inalay pa naman yun ng pamilya sa namayapa dahil paborito niya ito) Jusko! Ang laking rambolan noon HAHAH. Pwede rin daw kaming sa sementeryo maghanap, marami dawng choices doon kasi maraming naghahatid lalo pag undas o birthday ng namayapa. Sinubukan ko yan minsan pero walang nangyari sakin, pano ba naman di lang kaluluwa ang kakompetisyon doon pati tao na nakikitira sa mga nicho tinitira na rin yun phew, wala talagang natira noong dumalaw ako doon huhu.
"Pa-padaanin niyo ko.." Nadisturbo ako sa pagpapantasya ng pagkain ng may marinig akong mahinhin na boses na mangiyak-iyak na. Nilingon ko kung saan ito nanggaling, may isang magandang babaeng naka damit panghospital ang hinaharangan ng mga lalaking siga ang porma. Bakas naman sa itsura ng babae na takot na siya.
"Whooi! Pati ba naman sa dimensyon ng mga kaluluwang ligaw may mga nangmamaniac!" Nakapamewang kong sabi. Napatingin silang tatlo sakin at tama nga ko kaluluwa rin silang tatlo, pero may kakaiba dun sa babae.
"Hoy Gaga! Wag kang makialam!.." Aba GAGA?! Sinong gaga? Ipalapa kita kay Lady Gaga eh!
Nag-smirk ako kay kuya. Nagpatomboy-tomboy naman ako at kunwari lumuwa pa, tinaas ko rin ang sleeves ng aking tshirt at nag-ala Manny Pacquiao na sasabak na sa ring. Lumapit ako sa kanila. Napa-atras naman silang tatlo.
"Hoy mga manong! Put*k! Kaya hindi kayo makaakyat sa langit eh kasi kagaguhan parin ginagawa niyo sa mundo kahit kaluluwa na kayo! Juskoo! Nambibiktima pa kayo ng mas mahina sa inyo, sinong pinagloloko niyong matapang kayo? Kung matapang kayo yung kasing gago niyo kalabanin niyo ulol!" Ayan na di ko na mapigilan ang sarili ko na magmura, ganito talaga ako magalit.
"Bo-boss, baliw ata to? Hindi kaya siya yung pinagsasabi nilang alagad ni San Pedro? Nangugulpi daw yun?" Alagad ni San Pedro? Pfft wahaha sino namang nagpakalat niyan?
"T-talaga? Teka, babae ba yon?"
"O-oo boss base sa narinig ko ganyan daw yun umasta, Boss! Pano na? Ta-takas na tayo?"
Rinig na rinig ko naman ang pagbubulungan nila. Ahh! May naisip ako! Inilahad ko ang aking dalawang kamay sa harap at huminga ng malalim habang nakapikit, tapos ipinorma ko ito na para bang nagdarasal, itinaas ko ito at tumingala din ako sa langit. Narinig ko naman na natataranta na yung dalawa.
"Ooooh! San Pedro! Ninuno ni San Goku! Na nakatalo kay Majimbo! Ibigay niyo sa akin ang iyong natatanging kapangyarihan upang puksain ang mga masasamang kaluluwang gala sa mundooo! " ang itsura ko ngayon ay parang nag susupersayans na goku at ipinorma ko naman ang aking mga kamay na parang magkakamehamewave! Eksakto namang lumakas ang hangin.
"Kyaaaaah!" Kunwari tinira ko na ang kame hame wave ko, eksakto namang kumidlat HAHA balita ko may bagyo daw ngayon. Nagulat naman ako ng nagsitakbuhan yung dalawa at naglaho ng sumugod sa pader ng isang building.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
General Fiction★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...