"Honorable De Dioz! Magandang araw!" Bati ni Louie na may mataas na energy. Mag rereact sana ako sa naging asta niya, pero naisip kong bahagi rin siguro yan ng disguise niya.
"Oh.. Anong pakay mo iho?" Nakangiti naman si De Dioz samin. Medyo kakaiba ang aura niya kesa sa nakita ko kahapon, ngayon mas hambog siya at arogante kaharap, marahil dahil sa wala ang Senator na pinapakumbabaan niya.
Samantala, sa halip na magsalita ay binagsak lang ni Louie ang isang sobre sa mesa ng Councilor. Tinitigan naman ito ni De Dioz ng may nagtatanong na ekspresyon bago niya ito abutin at buksan.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang nakapaloob rito. Parang huminto ang paghinga niya habang nakatitig sa nilalabas niyang mga papel at patawa tawa naman siya habang hinahawakan ang nasabing bagay.
"Kami nga pala ang inutusan ni Senator Diyan." Sabi ni Louie sabay lahad ng kanyang palad kay De Dioz para sa isang hand shake. Inabot naman ito ng lalaki.
"Sabi ko na nga ba!! Grabe! Ang bilis niyo namang kumilos." Pahayag niya na may halong pagtataka pa ata ang huling mga salita. Pero masyado siyang masaya ng makita ang cards kaya isinantabi niya rin ito.
"Syempre, dahil mahalaga kayo sa amin." Pakikipagplastikan pa ni Louie dahilan para bumuhakhak pa ang Councilor. Sinenyasan niya naman kami na maupo na muna na siyang sinunod naman namin dahil nakakangalay tumayo.
"Maraming Salamat talaga! Malaking halaga ang mawawala samin kung hindi ito naibalik." Pagkwekwento niya.
"Nako! Eksakto! Baka gusto niyong bumili mga iho at iha?" Pag alok niya samin na siyang ikinagulat ko. Mukhang siya na mismo ang gumagawa ng opening para sa pakay namin.
"Ano po ba yan Honorable? Wala namang nasabi samin si Senador tungkol diyan, basta yung utos niya lang ang sinunod namin. " Panimula naman ni Louie, na nahalata din ang tyempong ibinigay ng Councilor.
"Ano po bang ginagamitan niyan? Baka naman masayang lang ang pera namin pag bumili kami." Dagdag pa ni John. Sana naman sumagot tong si Councilor at bigyan kami ng mga makabuluhang impormasyon.
"Heto? Ito lang naman ang card na babago sa buhay ng tao." Nakangising saad ni De Dioz na mas nagpalala sa aroganteng aura niya.
Heto na naman tayo sa mga katagang yan, ano ba kasing meron diyan at mababago nito ang buhay ng tao? Ano bang balak nilang i launch?
"Ano namang ibig niyong sabihin?" Ako naman ngayon ang nagsalita. Tumitig naman siya sakin na may malapad na ngiti tyaka nagsalita.
"Pag nagkaroon kayo nito, matitikman niyo lang naman ang Fountain of Youth." Fountain of Youth? Walang ganun.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
General Fiction★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...