Twenty Second

33 19 2
                                    

Dedicated to writerjgarcia , idyllictiffany for the constant votes♥ Thank you so much♥



"Talaga ba John? Pinayagan na tayo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.

"Oo nga, kaya nga pinapatawag tayo ni Chief eh." Bakas sa boses naming dalawa ang tuwa at excitement. Itong si Jess at Louie naman kahit hindi nagsasalita, ramdam kong mas ginaganahan narin.

Kumatok na muna kami sa pinto ni Chief bago pumasok. Pagkapasok namin bumungad samin si Chief na may binabasa na file. Agaw pansin din ang mga makakapal na folders na nagkukumpulan sa desk niya.

"Chief...ano po ba ang bagong task namin?" Nakangising tanong ko sa kanya. Inabot naman niya sakin ang isang folder.

"Kayo ang inatasan ni Head Chief na gumawa sa mga kakailanganing presentations at files para sa dadaluhan nating event." Malumanay na sabi ni Chief, na halatang halata ang katamlayan.

"Teka? Hindi naman to kaso eh." Angal ni John na inagaw sakin ang folder tyaka binuklat ito.

"Pasensya na Team, si Head Chief na mismo ang nagbigay niyan." Dismayadong sabi ni Chief. Ramdam ko ang pagbabago ng mood dito sa loob. Maging ako ay dismayado rin pero wala ng umangal samin. Oo nga naman, impossibleng pinagkatiwalaan na ulit kami ng isang kaso, alam ko yun, pero may parte sakin talaga na umasang inatasan ulit kami. Haysst.

Dahil may kalakihan ang opisina ni Chief, inaya niya kaming dito nalang gawin ang mga pinapagawa samin, maging siya din naman kasi ay naatasang tumulong rito. Naawa narin ako kay Chief, labis na siyang minamaliit ni Head. Siguro nga mabuting hindi na namin tangkaing galitin pa siya para hindi na niya mas pagka diskitahan pa.

Kinuha ko na yung mga folders na nasa pinakaitaas, lalo pa at hindi ito nakaayos, parang ilang segundo nalang ay mahuhulog na.

"Chief ano po ba tong gathering nato?" Tanong ko ng mabasa ang isang memo.

"Ah, ngayong taon lang yan sisimulan, special gathering ng iba't ibang units ng PAMPPCO sa buong bahagi ng bansa kung saan ipinapakita ang mga nagawa ng bawat unit at kinikilala ang mga yun. Narinig ko ring may mga taga ibang bansang imbitado kaya isang maayos at maipagmamalaking party ang pinaghahandaan, yun kasi ang utos ng Presidente."

Napatingala naman ako sa kanya.

"Si President?" Napalingon naman silang lahat sakiin at binigyan ako ng di mawaring ekspresyon. Napakunot noo nalang ako sa kanila.

"Huwag niyo nga akong tignan ng ganyan." pagsaway ko dahilan para mapatawa sila. Ewan ko ba kung anong iniisip nila at ganun nalang sila makatingin sakin.

Dahil may dalawang oras pa naman bago mag alas singko sinimulan na namin ang nakaatas sa amin. Binasa muna namin yung buong guide sa event at ang mga kinakailangan gawin bago kami nag brainstorm. Mabuti narin siguro to para may ibang mapagkabaalahan ang isip ko.

-----------------------------

Abala ako sa pagtatype ng pumasok si John habang may dala dalang kape at humikab pa bago pinatong ang mukha niya sa desk.

"Oy! Juan Tamad! Tapusin mo na nga yang ginagawa mo." Pagsaway ko sakanya. Pangalawang araw palang to namin pero ang tamlay tamlay na niya, nawalan na talaga ng gana. Ako naman kahit ganun pinipilit kong tapusin yung mga ginagawa ko. Sila Jess at Louie naman ganun din.

"Haaay Ayoko!" Bigla namang bumukas ang pinto at nagulat ako ng agad napabangon si John at nagtype ng mabilis sa kompyuter niya.

"Oy bilisan mo yan Lieshel!" Pagsaway niya sakin. Aba? Aba? Anong trip nito?

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon