"Ms. Lieshel! Ms. Lieshel! Kailangan niyo pong lumabas, andito po si Head Chief!" Napahinto naman ako sa pagsusulat ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang sekretarya kong si Ms. Leah Agapito.
Wala naman akong ideya kung bakit siya nagpapanic pero tumayo nadin ako at sumunod na sa kanya.
Nang makalabas ako, nagkukumpulan na pala ang mga tao sa harap , hindi ko alam na ganito na pala sa labas kasi naka bukas ang privacy mode ng opisina ko. Napalingon naman si Chief sa akin at tinawag ako na nakatayo parin sa bunganga ng aking opisina.
"Maligayang pagbabalik Head Chief." Bati ng isa sa leader ng ibang team. Nakalapit na ako sa kanila at andito ako ngayon katabi nila Jess. Tinignan ko yung tinititigan ng lahat at tinatawag na Head Chief.
Sobrang pamilyar ng mukha niya, yun marahil ay nakita ko na to noong iniiscan ko yung Organizational Chart ng PAMPPCO.
"Salamat, Salamat." Ngumiti naman ito sa lahat.
"Saan ba siya galing?" Bulong ko kay Jess, wala kasi akong alam sa ganap ng buhay ni Head Chief. Wala namang nagkwento sakin pagkarating ko rito.
"Galing leave." Napatango nalang ako sa maikling sagot ni Jess.
"Masaya rin ako. Bumabalik na rin ang gana sa aking katawan ngayong nagbalik na ako rito." Tumawa siya at ganun din ang karamihan na para bang napabuhakhak dahil sa isang joke. Napataas nalang ako ng kilay dahil sa kaplastikan ng mga tao rito.
Maya maya lumapit siya sa mga taong nasa gilid niya at nakipag kamustahan hanggang sa naglakad naman siya papalibot habang kinakamay ang mga tao na nadadaanan.
Nang makarating siya sa banda namin, napahinto naman siya ng ilang segundo bago pa nakigkamay kay Chief na nasa harap ko. Yung palakaibigan niyang ngiti kanina, napalitan ng isang ngiting arogante. Kakaiba ang pakiramdam ko sa lalaking to.
Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ni Chief.
"Balita ko..naging mga irresponsable daw ang nasa grupo mo." Bulong niya kay Chief. Napaekis naman ang kilay ko sa aking narinig. Ano namang sinasabi niya? Tyaka, kami irresponsable? Nagpapatawa ba siya?
Napansin siguro niya yung ekspresyon ko kasi napatingin siya sakin pero hindi ko parin ito binago, nakakainsulto kasi yung mga binigkas niyang mga salita.
"Pwes, aayusin natin yan." Pahabol niya bago ilayo ang mukha sa tenga ni Chief, nakatitig parin siya sakin at ganun din ako, hindi ako huminto sa pagbibigay ng naiinis na tingin sa kanya.
Akala niya siguro uurong ako dahil may malaking posisyon siya rito? No No No Mr.! Ang respeto hindi lang basta binibigay sa taong may mataas na edad o rango, binibigay ito sa taong maruno ding rumespeto.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
Ficción General★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...