Maaga akong dumating sa headquarters namin. Alas siyete palang andito na ako. Nagkasundo kaming dumeritso na rito para sa plano naming misyon ngayong araw.
Mukhang ako pa mag-isa ang nandito maliban nalang kay Chief na dito nag-sistay. Wala pa kasing ibang sasakyan na nakapark.
Nagulat naman ako ng may narinig akong dalawang taong nag-uusap ng pumasok ako sa basement. Nang tignan ko kung sino ito, hindi naman ako makapaniwala. Nag-uusap kasi si Chief at si Doctor Vuentura. Binati ko silang dalawa bago ako nakisali sa kanila.
"Hindi pa ako nakapasok ng Information Office sa totoo lang..." sabi ni Doc kay Chief ng makalapit ako.
"Isa yan sa mga kailangan nating obserbahan ngayon."
"Pero gaya nga ng sabi ko kanina Chief sobrang higpit ng security, hindi ko nga alam kung pano tayo papasok sa building." Bigla namang may naglagay ng isang box sa mesa. Andito na pala si Louie, hindi man lang namin naramdaman ang pagpasok niya.
Kinalkal ko yung mga laman ng box, puro mga lab gown ito.
"Ibig sabihin magtretrespass tayo?" Tanong ni Doc na sinagot ko ng isang tango. Bakas sa mukha niya yung alinlangan, halatang hindi sanay sa pagiging pasaway to.
"Magandang umaga!" Bati ni John na sinundan naman ni Jess sa pagpasok. Sabay na naman tong dalawa oh?
"At dahil kumpleto na tayo, may regalo ako sa inyo." Si Chief naman ngayon ang naglagay ng isang puting box sa mesa.
Napawow naman kami ng buksan niya ito. Naglalaman kasi ito ng mga earpiece pero ang kaibahan lang transparent ito kaya hindi nahahalata. May mga baril din na ikinabahala ko.
"Baril? Pero chief hindi po ba delikado yan?" Ika ni Jess na sinang-ayunan ko.
"Tranquilizer guns lang yan, para atleast ma immobilize natin yung hinahabol natin kung mayroon man. " pagpapaliwanag niya. Buti naman kung ganon.
Nakaka amaze yung baril, kasi kopyang kopya nito yung mga tunay, mas magaan nga lang. Yung bala naman nito ay katulad ng sa mga toy gun pero ika ni Chief hindi daw ito dapat maliitin kahit literal itong maliit sapagkat kaya nitong patulugin ang isang tao for 3hrs. Wala din itong tunog kaya iwas kuha ng atensyon. Mas gusto ko ata tong baril nato kesa sa yung nakakamatay talaga.
"Nga pala may isang special feature pa ang earpiece nato, pag pinindot mo ang parteng ito.." Nagdemo ni Chief.
" naka on na ang GPS features nito, ibig sabihin kaya nitong sabihin sayo kung nasaan ang mga kasama mo so long as naka on din ang GPS features ng earpiece nila.""WOW! IBA KA TALAGA CHIEF!" Sigaw ni John.
"Doc, kunin mo tong sayo." Abot ni Chief sa kanya.
"Ah Salamat" Nakakatuwa naman kasi parte na talaga siya ng grupo namin, kahit halatang may pag-aalinlangan pa siya sa kung anong gagawin.
"Pero Chief... mukhang lalo lang akong makikilala ng mga tao doon dahil maglalab gown ako." Nag-aalalang sabi niya.
"Hindi yan problema." Saad ni Louie na may dalang make up brush at palette, may ilang kagamitan din siya na prostetics.
"Marunong ka niyan?" Tanong ko na may halong gulat. Napatitig din sakanya ang iba.
"For disguising purposes." sagot niya na may seryosong expression. Napatawa naman ng mahina si John.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
Tiểu Thuyết Chung★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...