"SA WAKAS!" Sambit ko nang makaupo na kaming apat sa isang mesa. Andito kami ngayon sa first floor ng bahay nila Chief, dito sa isang kwarto malayo-layo sa quarters ng mga katulong nila. Masyadong confined sa lugar nato kasi nga maliliit lang ang mga bintana at nakasarado pa. Pero maliwanag naman dahil may ilaw at mahangin dahil sa mga bentilador.
"Pasensya na talaga team at ngayon pa tayo makakapag-usap.." Panimula ni Chief na nasa harap namin.
"Di Chief, okay lang nag enjoy naman kami sa pamamasyal.." Sabi ko ng walang halong ka echusan.
"At pag inom ng wine." Panapos ni John. Tumaas tuloy yung kaliwang kilay ni Chief sa kanya, marahil na alala nito ang kalat na nagawa namin. Nakakahiya ngang nagkalat kami sa ibang bahay ng wala pang pahintulot mula sa may-ari.
Agad naman isinantabi ni Chief ang isyu na yun at naglahad na nang apat na folder sa harap namin.
"Heto na nga ang mga nakalap kong impormasyon tungkol sa mga taong nalista ni Investigator.. Apat na mga pangalan ang naibigay niya, sina Senator Martini, Senator Quintal, DSWD Sec Fernan , Councilor De Dioz at syempre pang-lima si Senator Diyan. Kinalkal ko rin ang mga records natin, pero sa unang apat na taong nabanggit ko, walang nadawit sa kanila sa anumang kaso. Wala ding report ng kung anong mabahong pinagagawa nila. Ang mga transactions naman nila sinisimulan ko ng i monitor, so far wala din akong nakitang kahinahinala." Base sa mga sinabi ni Chief, mukhang mahihirapan kaming simulan ang pag-iimbestiga sa kanila.
"Pero wag kayong mag-alala, alam ko na kung saan tayo magsisimula.." Napatigil ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ni Chief, mukhang binigyan niya ng sagot ang nalilitong isip ko.
Iniharap niya samin ang laptop niya. May isang site itong pinakita, yung kagaya ng mga online shopping site.
"Yung golden cards." Sambit ni Jess.
"Ang golden VIP cards. May nakita akong nagshare ng link ng site nato sa facebook. Nagulat ako ng makita ang VIP cards kaya binisita ko ito. Napag-alaman kong binibenta niya ito ng illegal."
"Pano naman to napasakanya?" Tanong ni Louie.
"Yan ay hindi ko rin alam, basic infos lang ng nagbebenta ang na trace ko. Kung titignan niyo, nandiyan din siya sa folders na binigay ko." Iniscan ko yung laman at nakita ko nga ang isang lalaki na may pangalang, Jojo Maño, ayon sa records niya marami tong utang at matagal ng nagtitinda online dahil sa hindi pagkapermanente niya sa mga trabahong kanyang napasukan.
Nilapit ko ang laptop ni Chief samin at sinuri ang site ng lalaking si Jojo. Ayun sa product description niya dito , VIP card nga ito ng Diyan Marketing Inc., tama siya doon, pero yung ibang isinulat niya, mali na, sabi niya kasi dito, ang lahat ng magkakaroon nito ay may 70% discount sa every purchase ng mga produkto ng kumpanya. Kaya pala under sa most ordered section niya ito. Sino ba naman kasing hindi matetemp sa pagkakalarawan niya.
Sinabi niya rin na isa siya sa mga naunang pinili bilang certified distributor nito, at may permit siya na galing mismo kay Diyan, pinagmukha talaga niyang kapani-paniwala.
Ibinibenta niya ang nasabing card sa halagang 20,000. Grabe, ang marketing skills ng Jojo na to, sinanay niya talaga para mangloko.
"Pero kung susuriin mo ng mabuti halatang scam lang talaga..lalo't walang official statement na nilabas ang Diyan Inc. tungkol dito.." Sabi ni John. Tama nga siya. Kaso nga lang ang tao madaling mabingwit ng mga ganito.
"Magplano na tayo.." Sambit ko kaso suminggit si Chief.
"Actually, nasimulan ko ng gawin ang unang step ng plano. Nag order nako ng isang Golden VIP card, at sa Tuesday ng gabi ang meet up namin para sa transaksyon, pero wala pang exact location at oras."
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
قصص عامة★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...