Seventh

110 66 14
                                    

Gabi na at andito narin ako sa bahay, pinag-aaralan ang mga files ng PAMPPCO, napahinto naman ako ng biglang may kumatok sa pinto at bumungad sakin ang mukha ni President. Matagal ko narin siyang hindi na kita to the point na parang naninimago ako ngayon sa kanya.

"Pwede ba akong pumasok?" Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. May dala-dala siyang chocolates at nilagay niya ito sa aking mesa ng makarating na siya sa harap ko. Napangiti naman ako kasi ang sweet ni Pres.

"Kumusta ang araw mo Anak?" Anak? Parang nabigla naman ang aking diwa nang banggitin niya ang salitang yun. Oo nga pala hindi lang ako basta bastang bisita dito at ang buhay ng ulilang si Thea ay matagal ng natapos.

"Ayos lang po Pre-este Papa" pilit akong ngumiti para di niya mapansin na muntikan ko na siyang matawag na Pres. Dalawang araw ko lang siyang di nakita pero parang bumalik sa unang araw ang nararamdaman ko, at sa dalawang araw nayon parang nakalimutan ko rin na ako pala si Lieshel. Masyado kasi akong natuwa ng makita ko na si Louie at madalas na kaming magkasama sa nakalipas na dalawang araw. Kaya pakiramdam ko, parang ang dating buhay ko lang ang aking dinadala dahil kasama ko siya.

"Mabuti naman po at nakauwi kayo ngayon dito.." Sabi ko.

"Aalis na din ako mamayang madaling araw anak kaya binisita na kita.." Ano? Aalis na naman siya, minsan nakakahangga ang maging presidente kung kaya minsan naiisip natin, ang ganda siguro ng buhay ng isang presidente dahil malaki ang sweldo at iginagalang siya ng karamihan, hindi natin lubos naiisip ang sakripisyo at pagod na nararanasan nila.


"Naghahanda kaba sa una mong kaso?" Tanong niya na may pagod na ngiti. Um-oo nalang ako sa kanya. Naramdaman kong niyakap niya ako, at kahit awkward binalik ko naman sa kanya ang pagkayakap. Hindi ko naman ipagkakait ito sa kanya, dahil ramdam ko na kailangan niya ito.

--------

Ba"t ang silaw ng araw? Umaga naba? Ba't hindi ako masyadong makahinga? Ba't ang sikip sikip ng aking dibdib?

Pilit kong ibinuka ang aking mga mata, pero naramdaman kong humapdi ang mga ito, at na feel ko din ang pressure ng tubig. Wala akong ibang nakita kundi ang ilaw lamang na nagmumula sa araw at ang madilim na paligid.

Masyado nang sumisikip ang aking dibdib, kaya napapikit ako muli. Naramdaman ko rin na may humihila sa akin pababa. A-anong nangyayari?!?




"Haaaaah!" Bigla akong nagising, at ngayo'y hawak-hawak ko ang aking dibdib, hinahabol ang hiningang kanina'y muntikan ng mawala sa akin. Nananaginip lang pala ako. Ano namang klaseng panaginip yun?


Eksakto namang tumunog ang alarm clock at alas 5 na pala. Kaya bumangon narin ako at naligo. Isinantabi ko na muna ang aking panaginip kahit sumisikip parin ang aking dibdib. Epekto kaya to nang mahigpit kong bra? Urgh makabili na nga ng bago.

Kailangan kong umalis ng maaga ngayon, syempre para hindi malate dahil 27 na ngayon. Ang araw ng palabas ni Senator Diyan. Alas 8 ng umaga ito gaganapin kaya kailangang maaga palang ay nandoon na kami para makapaghanda. Simple lang ang sinuot ko ngayon dahil parte ito ng plano namin.

Nang makarating nako sa ampunan, ay eksakto ding dumating ang sasakyan ni Louie, samantalang nakita rin namin sa unahan ang paparating na sasakyan ng journalists namin. Alas syete na ng umaga nang makarating kami, gising narin ang karamihan sa mga bata at ang iba'y tapos ng maligo at magbihis. Pinahahanda parin sila dahil sa event mamaya. Gaya ko ay simple lang din ang suot ng aking mga kasama, pero lumitaw talaga ang suot ngayon ni Louie.

"Uhh, Investigator, ba't ganyan ang porma mo?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Naka-shorts lang kasi siya, tas kapansin-pansin ang patay nitong kulay, naka-tsinelas lang din siya ng spartan, at naka t-shirt ng maluwag na may mantsa sa kung saan-saang bahagi. Napansin ko namang kalalabas niya lang sa isang sombrerong gawa sa banig na tinago niya sa kanyang bag. Balak niya bang mag hardinero?

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon