Sixth

130 67 21
                                    

Hello morniiiiiing!

Nasa opisina na ako ngayon at feel na feel ko ang ganda ng umaga dahil hindi ako late ngayon. Tinignan ko kung anong oras na at 8:50 na pala, 10 minutes nalang bago ang meeting namin ni Louie. Nagkasundo kasi kaming 9 na mag-usap.

Inayos ko na muna ang table sa office ko kasi dito lang kami mag-uusap, konti lang kasi kaming on field at ang iba'y magmomonitor using their IT skills. Nagtungo ako sa may ref para i check kung malamig naba ang Dutch Mill na ipapainom ko sa kanila. Naalala kong paborito kasi to Louie dahil madalas siyang mag ka stomach problems kaya either ito o yakult ang nilalaklak niya.

"Ms. Luencana andito napo sila." pumasok na sa opisina ko Si Louie, kasabay ng aking secretary, kanyang secretary at dalawang magiging bahagi din ng aming field investigation, journalists daw silang dalawa at tutulong sila sa pag cover ng story. Kung naabutan ko lang to itatry kong mag-apply bilang journalist nila. Ang ganda kasi ng purpose ng PAMPPCO.

Nagtungo narin ako sa table ko dala-dala ang 6 na dutchmill. Inilagay ko ito sa mga tapat nila ng napansin kung napatitig dito si Louie bago siya napatingin sakin. Favorite niya yaan yeei.

"So magsimula na tayo, base sa nakalap namin, twice a year lang ito ginagawa ng senator noong bago pa niya to simulan pero, mula noong second quarter last year, buwan buwan natong nangyayari, nagsumbong na ang namamahala ng orphanage dahil nababahala na siya sa mga bata.."

Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang magtrabaho, sa ilang taon kaming naging magkaibigan ngayon ko pa nasaksihan kung pano siya magsalita na ang tali-talino niya.

Napa-istatwa naman ako sa pagsipsip ng dutch mill ng namalayan kung napansin na naman niyang nakatitig ako sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin at kunwaring binubuklat ang folder na nasa harap ko. Napatingin lang ako uli sa kanya ng magsalita siya.

Umayos siya ng upo at diretsong nakatingin sakin, ang seryoso ng ekspresyon niya. "Napansin kong.." Nako! Napansin na nga niyang palagi ko siyang tinititigan, baka ano pang iniisip niya.

"Hindi aah!" Pagputol ko sa sinabi niya. Napatingin naman ang iba sakin kasi sumigaw ako.

"Hindi ba? Akala ko pareho tayo ng iniisip kasi obvious na isa lang ang orphanage na ginamit ni Senator." Napaluwag naman ang dibdib ko ng marinig ang sinabi niya akala ko kasi sasabihin niyang, napansin kong palagi ka nalang nakatitig sakin. Omay nasobraan na talaga ako sa pagfifeel at nagiging careless ako sa mga actions ko.

"Ah eeh ang ibig kong sabihin, Hindi nga ako nagkakamali ng iniisip hehe" palusot ko naman, iiwasan ko na talagang tumitig sa kanya at magsalita ng padalos-dalos ilang beses na kasi akong napapahamak.

Ngumiti naman siya sakin bago nagsalita. " napansin kong hindi man lang siya naging discrete dito..isang orphanage lang ang ginamit niya at diretsahan din siyang nag-offer ng bribe, dahil siguro akala niya palalagpasin lang natin ito o kaya nga'y hindi natin pansinin." Actually, magkapreho nga kami ng iniisip. Ganyan din ang pumasok sa isip ko habang nagreresearch. Feel ko nga hindi lang talaga ito ang main problem ng kasong ito.

"Pakiramdam ko may mas malaki pa siyang tinatago maliban dito." Napatango ako sa sinabi ni Louie, yun din sana ang sasabihin ko pero naunahan lang niya ako.

Kung image niya lang ang minamarket niya ba't niya naman naisipang isang orphanage lang ang gamitin. Kung ako nasa lugar niya, dadamihin ko. Tyaka ba't naging monthly nato? Wala namang isyu si senator Diyan, dahilan para gawin niya to para may pagtakpan. Hmmm napapaisip na talaga ako.

"Napansin ko ring sa tuwing 27 nangyayari ang charity niya.." Sambit ko naman, 25 na ngayon so sa loob ng dalawang araw mapapanood na naman natin ang palabas ni Senator.

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon