A-ang sikip sikip ng dibdib ko, h-hindi ako ma-makahinga. Tu-tu-tulong! Tu-tulong!
Ba't may humihila sakin pababa? A-anong nangyayari?! H-hindi ako makahi-nga...
"Lieshel!"
Bigla akong napabangon sa kama habang pinupukpok ang aking dibdib. Pilit kong hinahabol ang aking hininga kahit na ang sakit. Nanaginip lang pala ako pero bakit parang ang totoo ng nangyayari at nararamdaman ko.
Bumungad sakin si Ate Maria na sobrang nag-aalala. Agad siyang napaupo sa tabi ko at hinimas-himas ang aking likod. Ilang sandali din ay naging normal ang aking paghinga. Akala ko ayos na ang aking pakiramdam pero agad naman akong nakaramdam ng sakit ng ulo. Pakiramdam ko mabibiyak ang ulo ko.
Inalalayan ako ni Ate na humiga ulit. Kahit na napapaiyak na ako sa sakit, nakikita ko parin kung gano siya nagpapanic dahil sakin.
"Nako! Ba't kaba kasi naglasing kagabi! Heto oh inumin mo.." May inabot siya saking pampawala siguro ng hangover, agad ko naman iyong kinuha at ininom kasi di ko na kaya pa ang sakit ng ulo. Sumandal na muna ako sa head board ng kama, nang makaramdam naman ako ng sakit sa sikmura. Lagot! Heto na yung sinasabi kong goodluck.
Nakaramdam ako ng something na tumaas mula sa sikmura ko. Akma na akong dudura ng may inilagay na basin si Ate Maria sa harap ko, kung kaya ng masuka ako ay di na kumalat sa kama.
"Tong batang to oh! Mabuti nalang Sabado ngayon kaya makakapagpahinga ka ng maayos." Sabi niya habang hinihilot ang ulo ko. Nakahiga na ulit ako ngayon. Parang naisuka ko narin kasi ang lahat kaya gusto kong matulog ulit.
Bago ko maisarado ng tuluyan ang aking mga mata nakaramdam ako na may nag vibrate sa mesa. Cellphone ko siguro pero mamaya ko na titignan kasi nanghihina na yung katawan ko. Lagot talaga sakin si John at Louie, silang dahilan kung bakit ako nagkaganito.
--------
Nagising ako sa sa tunog ng classic songs, kahit na relaxing ito masyado itong malakas kaya ako ay naalimpungatan. Nang tumingin ako sa bahagi ng labas na makikita sa bintana, hindi ko matukoy kung umaga paba o malapit ng maghapon. Maliwanag parin kasi at ang init-init din, sumasayaw naman ang mga dahon sa mahinhin na paghangin.
Ang sarap sa pakiramdam, lalo na't sumabay yung mga lumang kantang nakatugtug sa maaliwas na paligid. Hindi narin gaanong masakit ang ulo ko at kumalma nadin ng tuluyan ang aking sikmura.
Nanatili muna ako dito ng ilang minuto, masyado kasing masarap sa feeling, yung relaxed kalang tas wala kang iniisip.
Naisturbo naman ako sa pagmumuni-muni ko ng nagvibrate yung cellphone ko na nasa side table. Kinuha ko naman ito para tignan kung sino ang nagtext. Nag vibrate din to kanina, baka may importanteng text na pinadala sakin.
Bumungad sa screen ang pangalan na Kuya, yung kapatid ni Lieshel. Pinalitan ko na yung love na naka phonebook sa kanya, nakakadiri. Inopen ko na yung messages niya.
"Ba't ka naglasing?"
"Uminom ka muna ng tubig sa kusina."
Yun lang yung mga recent texts niya. Napatanong naman ako sa sarili koo kung pano niya nalaman na naglasing ako pero siguro sinabihan lang siya ni Ate Maria. Ang concern niya talaga sa kapatid niyang si Lieshel.
Feel ko nga ang tuyo na ng lalamunan ko, kaya siguro nga iinom na ako ng tubig. Wala namang naiwang pitsel si Ate Maria dito kaya kailangan ko na talagang bumaba.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
Aktuelle Literatur★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...