Fourth

124 79 64
                                    

"Kung ganon, bukas na bukas din ay pwede kanang pumasok!"

Tumanggi muna ako kay President na ngayon bumalik sa trabaho kasi alam kong hindi pa ako ready. Wala pa akong alam sa basics sa buhay ni Lieshel kaya andito ako ngayon sa kwarto niya at nagsasagawa ng research. Hinalughog ko rin ang mga files niya sa kanyang mini lib at for sure malaking tulong ang mga to.

Nag search muna ako sa internet tungkol kay President, si President Eduardo Luencana. Clinick ko naman ang mga articles tungkol sa pamilya niya para naman atleast guided ako. Pero, walang masyadong significant information maliban sa patay na ang asawa ni Pres 18 years ago. Siguro gusto ni Pres private ang buhay ng mga anak niya, kunsabagay mahirap maging sikat. Sumuko nalang ako sa pag susurf at kinaykay yung mga nakita kong papers.

"PAMPPCO?" Nakuha ang atensyon ko ng isang folder na may label na PAMPPCO. Agad ko itong binuksan at bumungad sakin ang sagisag ng isang organisasyon at may nakasulat sa palibot nito, Philippine Anti Misuse of Political Power Commission? Nagka goosebumps naman ako.

Binuklat ko na yung pages at may nakita akong Organizational Chart. Nakita ko ang mukha ni Lieshel dito at may nakalagay sa ibaba ng picture niya na "Team Leader", nanlaki naman ang mga mata ko! Jusko! Hindi ko akalaing may mabigat at mahalagang papel pala tong si Lieshel sa Republika ng Pilipinas. Binasa ko pa ang ibang nakapaloob sa file nato at napag-alaman kong espesyal na ipinagawa ni Pres ang commission nato para mag monitor sa sinumang politiko na gumagawa ng kalokohan. Na-establish lang ito 8 months ago, so 2 months bago ma coma si Lieshel. May nakita rin akong listahan ng mga suspicious politicians. Wow. Ano batong pinasok ko.

Kinaykay ko kasunod ang folder na naglalaman ng educational background ni Lieshel, may mga photocopy ng certificates na naka paste sa mga pages, mula kinder, elem, highschool at college siguro to kasi ang kapal, Wow consistent honor student tas may special awards pa. Napanganga ako ng dumating ako sa college certificates niya, wow PolSci Grad pala si Lieshel at nagtapos siya sa London School of Economics and Political Sciences, Juskoo constant awardee din siya at marami rin siyang special mentions.

Lieshel? Nag-wowonder na talaga ako kung kaya ko bang panindigan na maging ikaw? Pano kung masira ko ang reputasyon mo? Tyaka wala rin akong karapatan na manghimasok sa buhay mo, pano kung may mga desisyon akong kailangan gawin na makakaapekto sayo? Baka pareho lang tayong magsisi.

Napabuntong hininga ako. Napansin kung may something colorful sa last page ng clearbook na naglalaman ng certificates ni Lieshel, nakita ko ang isang quote.

"You live to do what you ought to do.." Nasa magandang estilo ng calligraphy ito nakasulat at sa pinakadulo ng page ay may nakasulat na dash- Carpe Diem. Napangiti ako.

"Ito ba ang sagot mo sakin Lieshel?" Sabi ko sabay tingala sa kisame.

Nakatitig ako ngayon sa sarili ko sa salamin, Woow, ang ganda ko-este ni Lieshel masyado. Nahirapan pa akong humanap ng damit kanina dahil sa sobrang ganda lahat ng gamit niya. Nakakalaway yung walk-in closet Jusko!

Tinitigan ko ang mukha ni Lieshel, at nagsmile. Haay kailangan ko nang masanay na hindi ako si Thea ngayon at ako si Lieshel, si Lieshel na anak ng presidente at ubod ng ganda, Si Lieshel na may terrace at Blue Roses. Si Lieshel na maginhawa ang buhay, speaking of buhay minsan tuloy napapa-isip ako kung bakit ayaw niya pang bumalik eh ang ganda ng buhay niya. Well, ika nga we can't judge someone unless we're on his shoes kaya hindi na ako makikialam sa desisyon niya.

Kinuha ko nalang yung shoulder bag na light blue at bumaba na para kumain. Baka malate pako sa first day ko. Naks feels na feel. Haha

"Good morning Lieshel, nakahanda na ang umagahan mo, samantalang nauna ng umalis ang Papa mo due to work alam mo na." Syempre President, Busy talaga.

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon