Fifteenth

64 41 13
                                    

"Marami ka ba talagang hindi natatandaan?" Napalunok ako.

Nako, heto na nga ang sinasabi ko, sana nga lang kumapit parin sila kahit gano ka luma na ang palusot ko.

"Pasensya na Kuya, wala talaga akong masyadong naaalala sa mga nangyari sa buhay ko..Pin-pinipilit ko naman Kuya pe-pero wala.." Umaacting na talaga ako dito, ayokong hindi mabigyan ng mga sagot eh.

"Wag, wag mong pilitin ang sarili mo. Okay lang yan Lieshel, mas mabuti nga yan na wala kang masyadong naiisip.." Pagpapakalma sakin ni Joaquim.

"Pero, dahil nagtanong ka, hindi ko ipagkakait sayo ang mga kasagutan sa tanong mo." Yan ang hinihintay ko. Tumango naman ako sa sinabi niya. Pasensya na Joaquim, noong mga nakaraang araw isinantabi ko ang aking kuryusidad sa buhay ni Lieshel, pero masyado na akong naguguluhan at nagtataka kaya kailangan ko ng mga kasagutan.

"Hindi kaba nagtataka kung bakit walang mga PSG na nakapalibot satin?" Ngayon na sinabi nga ni Joaquim yan, napaisip tuloy ako. Hindi ko ata yan pinroblema kasi nga isang ordinaryong tao lang naman ako at sanay na hindi pinagbibigyan ng atensyon. Minsan talaga nakakalimutan kong anak ng Presidente tong napaghiraman ko ng katawan.

"At kung bakit hindi tayo tinututukan ng media?" Na isang bagay nga naman na pinagpasalamat ko.

Hmm, bakit nga ba?

"Yun ay dahil itinago niya tayong mga anak niya mula sa publiko." Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya.

Mukhang impossible naman ata yun.

"Pa-pano kuya?" Huminga muna siya ng malalim, mukhang mahaba-habang kwentuhan to.

"Mula nang mamatay si Mama 18 years ago, hindi pa pumasok si Papa sa politika noon, pinadala niya tayo kay Lola at Lolo sa London. Doon na tayo lumaki at nag-aral. Lumaki tayo na malayo sa kanya pero ni minsan hindi natin siya kinalimutan." Ramdam ko ang lungkot at sincerity na naghahalo sa boses niya.

"Wala tayong alam na pumasok na pala siya ng politiko. Kahit na nabigla tayo at nasa malayo, supportado naman natin siya. Hanggang sa napagdesisyonan nga niya na tumakbo bilang Presidente." Taimtim lang akong nakikinig kay Joaquim.

"Gusto na nating umuwi noon para makasama at supportahan siya pero umayaw siya, yun pala ay dahil plano na niya na itago tayo sa publiko. Dahil nga nagsimula siya ng walang bakas natin, plano niyang ipagpatuloy ito."Bakit parang iba ang dating sakin ng huling sentence?

" Pero nagpumilit parin tayo hanggang sa nakumbinse na nga natin siya. Umuwi lang tayo dito matapos mong grumaduate. Pero kahit na andito na tayo, patuloy parin tayong itinago ni Papa, hindi niya tayo pinakilala, ni walang artikulo tungkol satin.." Teka, kaya pala noong nagsearch ako wala akong nakita. Kakaiba, nagawa talaga ni President yun alang alang sa pagprotekta sa mga anak niya. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha.

Nagpatuloy si Joaquim sa pagkwento.

"Ang alam lang nila, nasa puder tayo ng mga magulang ni Mama na nasa London. Tinanggap naman ito ng media at walang pumilit na kilalanin tayo" pero ngayon mukhang meron na.

" Pero Kuya, bakit alam ng mga katrabaho ko?" Ito, ito talaga ang mas nagpagulo kaya hindi ako makabuo ng teorya kanina.

"Noong una, walang may alam, wala silang alam pero a month bago ka ma coma, may nagpakalat sa department niyo tungkol sa identity mo." Nagulat ako sa nalaman ko.

"Teka.. Yung ka department ko?" Nalilitong tanong ko.

"Oo.. Hindi mo rin ba maalala? Sila lang ang may alam... yung ibang empleyado...  Wala silang ideya."



When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon