Matapos naming kumain, naglibot ulit kami sa lugar, nasa may parte kami kung saan nakapwesto ang mga palaro. Sari saring pang peryang mga laro ang pwedeng subukan sa nakahelerang mga stall at tents.
Kaya pala may kasiyahan dito kasi malapit na ang piyesta bahagi daw to ng month-long celebration nila. Kakaiba din tong event nila ah, at pati taga ibang probinsya andito para ibahagi ang mga kakaibang produkto na ipinagmamalaki nila.
"Teka, nag text naba si Chief sa inyo? Ako, wala pang natatanggap eh." Tanong ko sa kanila, sumagid kasi sa isip ko ang tunay na pakay namin. Para kasing nagpunta nalang kami dito para magsaya at mamasyal.
Anong oras na pero hindi parin nagparamdam samin si Chief. Baka naman iniscam niya kami ah? Choss lang.
Habang masayang nanunood sa mga naglalaro, napahinto kami sa isang stall kung saan may mga lalaking masayang naglalaro. Ah ito pala yung shooting game, kung saan gamit ang baril dapat may matamaan kang bola para may makuha kang premyo. May twist din sila dito, grabe ang hilig ng mga tao dito ng twist. Dito, kung mas maliit ang bolang matamaan mo, mas bongga ang premyo, yung pinakamaliit nila kasing laki lang ng Jolen kaya sobra naman talagang nakaka challenge wew.
"Whoo!" Napaatras naman ako ng sumigaw yung magbabarkada na naglalaro, natamaan kasi ng isa yung bola ng Jackston kaya nanalo siya ng SamSung na Cellphone. Naks naman tong papremyo nila. Mamahalin!
"Kuya palaro!" Nagbayad si John ng Singko dun sa nagbabantay. Ah so singko for 3 tries pala to.
Pumwesto na si John sa may baril at naghahanda ng umasinta. Kami naman nagchecheer.
Unang try, wala siyang natamaan, pangalawa naman wala din, nang pangatlo natamaan niya yung bolang malaki laki ng kaonti kesa sa bola ng jackston.
"Yes! Manong yung prize ko po." Excited naman to masyado oh!
"Oh iho ito!" Inabot sa kanya ng lalaki ang isang maliit na panda stuff toy, na sobraaang cutee.
"Eh? Hindi ko naman magagamit to, Sayo na oh.." Binigay niya kay Jess yung toy, wait a minute? Ba't ang sweet ng dalawang to?
Kinuha naman to ni Jess ng di man lang tumingin kay John, na kyutan din siguro kaya tinanggap niya na rin. May something na nga ata sa dalawang to eh, pwede namang sakin yun ibigay pero sa kanya, hindi naman sa naiingit ako hahah, basta may something, nakoooo nangangamoy kayong dalawa ah, maligo nga kayo! joke lang HAHA.
Pero naiinggit (oo na naiingit ako HAHA) parin ako sa panda.
Nakita ko namang may ganun pa kalaking bola at may isang stuff toy pa pala na panda. Sakto naman oh! Gusto kong kunin yun.
"Manong palaro ako" sabay abot ng singko.
"Ha? Ikaw? Si Iho nalang maglaro para sayo, gaya nila oh si Iho nagkuha kay Iha, ang sweet." Sabay turo niya kay Louie tapos sa dalawa. Halaah manong may pa sweet sweet kapang nalalaman ahh.
"Di manong ako na.." Hahawakan ko na sana ang baril ng maunahan ako ni Louie.
"Ako na.."
"Ayaan, ang sweet.." Manong talaga ang hilig niyo sa sweet ah, kaya pala wala na halos ang kalahati ng inyong mga ngipin hehe lablab manong.
"Oh siya GOOO! Yung kasinglaki ng natira ni John ha!" Sabi ko kay Louie sabay cheer. Ano pa bang magagawa ko eh nakahawak na siya kaya di nalang ako umangal.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
General Fiction★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...