Napakaganda talaga ng langit pagmasdan lalo na kung walang masyadong ulap at naghahari ang ka asulan nito.
"Hello Heaven! Ano kayang feeling mamuhay diyan sa lugar mo?"
Iniimagine ko ang sarili ko na may pakpak at halo na masayang nakekekwentuhan sa kapwa ko anghel. Napatawa naman ako, hindi dahil sa ang baduy ng aking naisip kundi dahil sa nahinuha ko kung gano ako ka gaga sa nagawa kong desisyon.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa bench dito sa park at sinabunutan ang sarili ko. Napansin kong parang may kulay light blue na lumilipad sa may paanan ko. May isang medium-sized na paru-paro na nakiupo sa kabilang dulo ng bench.
"Awwee.." Nagandahan naman ako sa paru-paro lalo na't paborito ko pa ang kulay nito.
Umayos ako ng upo at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi nagreact yung butterfly kaya nagpatuloy ako sa paglapit hanggang sa pinosisyon ko ang aking kamay at inabot ito.
Pero lumusot lang ito sa gitnang bahagi ng kamay ko.
"Oo nga pala Thea isa kalang kaluluwa ngayon kaya kahit paru-paro hindi mo mahahawakan. Gaga ka talaga!" Patawa kong sabi, tawang halatang pilit lang at dulot ng frustration.
Napasabunot ako muli sa sarili ko at napatingala sa langit. Kung sana sumama nalang ako kay San Pedro noong nakaharap ko siya siguro payapa at masaya na ako ngayon sa langit.
Siguro hindi ko makakalimutan na hindi umaktong parang buhay pa, mas nasasaktan lang ako. Napahinga naman ako ng malalim ng maalala ko ang nangyari noong araw na kaharap ko na si San Pedro sa labas ng gate ng langit at ang mga pinagdaanan ko mula bago pa ako napunta rito.
"Jusko naman! Ang init-init dito sa purgatoryo."
"Pano ba naman marami ng nagkakasala"
"Magpasalamat nalang tayo at di tayo dumiritso sa impyerno atleast dito hindi nag-aapoy."
Hindi ko ba napatay yung tv? Ang aga-aga nagdadal-dal na.. Nako baka ma overheat yan di pa naman ako tapos sa hulog-hulugan niyan!
Nagmadali akong bumangon at kinapa-kapa ang palibot ko ng nakapikit para sa remote ng tv. Masyado pa akong inaantok at pagod pa ang mga mata kong bumuka.
Nakakapagtaka naman at parang bulak ang bedsheet ko ngayon. Hmm whatever, hindi ko masyadong binigyan ng paki ang lambot ng kama ko at nagpatuloy lang ng may makapa akong kakaiba. Matigas, baka ito na yong remote. Nang hawakan ko ito nakaramdam ako ng malambot pero magaspang at teka ano to?
Kuko?
Napamulat ako dahil sa aking nahawakan. Jusko! Ba't may paa rito!
Agad kong hinanap ang may-ari ng paa at lalo akong nagulat ng makita ko siya. Isang matandang lalaki na telang puti ang suot at may mahaba-haba itong bigote, napapikit naman ako ng sumilaw yung ulo niya.
Ano ba't ang unfair ng pagkahati ng buhok niya nasa may baba lahat hehe pero teka nga.. Mali ata ako ng lugar na ginisingan hindi ito ang bahay namin.
"Oh ija dahil gising kana, simulan muna ang paghingi ng tawad." Ang weird naman nitong si Tatang anong pinagsasabi nito.
"Po? Kanino po?.." Nakataas kilay kong tanong sa kanya. Subalit di lang siya sumagot at bumaba lang sa malaking kama ng mapansin kong may kakaiba.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
Ficción General★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...