"si Investigator.... Louie Galvez."
Nilamon ng palakpakan ang lugar.
L-Louie? Galvez? Hindi kaya--
Lumingon ako sa kabilang side kung saan nag forward ang isang lalaki na katabi ng lalaking katabi ni Chief. Napabitaw ako sa aking dala-dala nang makita ko kung sino ito, nang marealize ko kung bakit pamilyar ang pangalan na yun, at kung bakit parang bumigat ang damdamin ko ng makita ko ang nakangiti niyang mukha.
"Miss! O-okay ka lang ba?" Tyaka lang ako bumalik saking ulirat ng tawagin ako ni Leah at kinuha niya ang nalaglag ko. Nakatingin na pala silang lahat sakin at bakas sa mukha nila ang pag-aalala. Kinumusta din ako ni Chief pero hindi ko siya masagot. Napatitig din sa akin si Louie at halata ding nagulat siya.
Umaasa ako na ngingiti siya sakin, at kukumustahin ako pero ang gaga ko naman, hindi niya ako kilala, hindi niya kilala si Lieshel. Gusto ko sana siyang yakapin at sabihang namiss ko siya pero para naman akong baliw kung gagawin ko yun. Kasi para sa kanya isa lang akong estranghero. At ang Thea na matalik niyang kaibigan ay patay na.
"Arrghh! Parang kanina lang namomroblema ako kung pano ko siya hahanapin tas ngayon bigla-bigla palang siya ang pupunta sakin. Mas naiistrezz ako kung anong dapat kong gawin. Syempre una kailangan kong makipagclose sa kanya para maopen ko yung topic at matulungan siya, and it would take time, kaya dapat umpisahan ko na as soon as possible kundi baka maubos ang oras ko.. Diba? Hmm??" Tanong ko sa stuff toy na hawak-hawak ko. Napasandal nalang ako sa aking swivel chair dahil sa frustration.
Kailangan ko na talagang simulan to at gumawa ng plano, kailangan ko muna siyang obserbahan. Kinuha ko yung remote para sa glass wall at may pinindot na small button, bigla namang nawala ang pagka-blur ng pader sa may kanan ko, at nakita ko sa ikalawang opisina mula sakin si Louie, at naka off- privacy din ang glass wall niya.
Pano ko ba siya lalapitan? Pano ko ba iooffer ang friendship ko? Di pa naman siya yung type na madaling mahulog at makaclose ganun. Juusko!
Napalingon siya sakin, at napataas ang dalawang kilay niya na parang nagtatanong. Jusko! Kanina pa pala ako nakatitig sa kanya habang nag-iisip ng malalim. Ang weird siguro ng itsura ko ngayon kaya ganyan nalang ang ekspresyon niya.
Dali-dali kong kinuha ang remote at binalik sa pagka-blur yung pader. Nakakahiya naman yuuuun.
Bigla namang nadivert ang atensyon ko sa pagkatok ng aking Secretary, na nag-anunsyong may lunch meeting daw ako kasama ng iba sa meeting room. Tinignan ko ang relo ko at Jusko 11:50 na kaya napatayo nako dahil ilang minuto nalang ay magsisimula nayong lunch meeting ni Chief.
Masyadong nakaka fascinate ang meeting room kahit sa labas ko palang ito minamasdan, ang gara kasi ng tables at chairs at ang four walls ng room ay nag-proproject ng kung ano, ghaad ganyan bayong tinatawag ng iba na hologram?
"Oh Miss Luencana, maupo kana.." Pagkapasok na pagkapasok ko agad akong pina-upo ni Chief sa dulo ng right side ng table, habang siya naman sa gitna.
" Mr. Galvez, ikaw rin.." Mabilis akong napalingon sa likod ko kung saan nandoon ang kinakausap ni Chief. Sinundan siya ng aking paningin hanggang sa makaupo siya sa harap ko. Waait teka sa harap ko?! Napakagat nalang ako sa thumbnail ko.
Napansin ko namang napatitig na siya sakin ngayon at sa pinagagawa ko kaya umayos nako ng upo at nagkunwaring i che-check yung file na nilapag sa harap namin. Nako paniguradong naweweirduhan na siguro siya sakin kasi palagi niya nalang akong nahuhuli sensitive pa naman yan at worst baka mapagkamalan pa niya akong may gusto sa kanya, may pagka narcissist din yan minsan eh, confident kasi gwapo.
"So everyone, hindi nga pala natin makakasama ang head natin dahil sa bakasyon niya, kung kaya ay tayo tayo nalang ang mag welcome sa mga baguhan natin.. Tayo naman diyan Mr. Galvez at Ms. Luencana"
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
Ficção Geral★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...