This chapter is dedicated to @ReynaJuls sinxiere CrazyInPinkCupcake for saying hello yesterday! Awe you guys are the sweetest! Thank you!
--------------------------------------------------------------------
Nilagay namin siya sa isang upuan dito sa isang napakamaliwanag na kwarto sa basement ng headquarters namin. Walang ibang andito kundi isang upuan, isang couch at long table, ito lang ang nagbibigay ng ibang kulay sa silid na sobrang puti. Nakasandal ako sa may pader ngayon habang tinitignan ang lalaki.
Napaka kalat ng mukha niya, kapansin pansin ang bigoteng patubo na naman at ganun din ang kanyang eyebags. Mukhang dumaan to sa malaking problema at ganito nalang ang nangyari sa kanya.
Maya-maya napadilat siya ng mata. Nawala na ang bisa ng pampatulog pero mariin parin niyang pinipikit ang kanyang mga mata, nag aadjust marahil sa liwanag ng kwarto. Maya-maya napatingin siya sa amin.
"Sino kayo?" Kalmado niyang pagkasabi, yung boses niya hindi kakikitaan ng takot.
"Alagad kami ng batas." May itinaas na I.D si Louie.
"At hihingin namin ang kooperasyon mo." Pahabol niya.
Kumunot naman ang noo ng lalaki sa amin.
"Ano bang ipinagsasabi niyo?"
May kinuha si Louie sa mesa, itinaas niya ito at inilebel sa mukha ng bihag namin. Ito pala yung badge ng lalaki na may naka-ukit na EGMC. Nagulat siya ng makita ito.
"Sabihin mo, anong alam mo rito?" Si Chief na ngayon ang nagsalita. Yumuko lang siya.
"Alam din naming may kaugnayan ka kay Senator Martini, na isa din sa iilang politiko na may alam rito." Napataas ng tingin yung lalaki.
"Pan-? Ah, kaya niyo pala nakuha ang numero ko." Napa ismirk siya samin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Bakit parang wala lang sa kanya?
" Magsalita kana. Anong alam mo sa Fountain of Youth?" Uminsert naman si John.
Tumahimik lang siya at ipinikit ang mga mata. Biglang naglakad si Louie papunta sa kanya dahilan para mataranta kami. Akala kasi namin sasapakin niya, pero hinawakan niya lang ang dibdib nito. Ikinagulat ko naman ang ginawa niya.
Pero kinapa kapa niya lang pala ang jacket nito. Ano naman kayang hinahanap nito?
"Tss, wala akong dalang ganun." Matapos masiguro ni Louie na wala nga ang hinahanap niya umatras na ito at bumalik pwesto namin.
"Wala siyang I.D." sambit nito.
Pinabayaan na muna namin yung lalaki, kahit anong pilit naman namin sa kanya hindi siya sumasagot ng maayos. Hindi nga din namin masense kung nagpapanic man lang ba siya dahil sa nangyari sa kanya dahil baka maalarma si Senator Martini at ang kasamahan niya.
Lumabas na muna kami ng kwarto para gawin yung documentation. Maya-maya nakaramdam na kami ng gutom kung kaya ay nagluto na yung iba para malamanan ang aming mga sikmura. Ilang minuto ang lumipas at nakakain narin kami. Binigyan din namin ang aming bihag. Si John na ang nag boluntaryo na sumubo sa kanya. Kumain naman siya kahit iilang subo lang yun.
Lumipas ang ilang oras at wala parin siyang kibo, kalmado parin siya. Hindi niya pinoproblema na nakuha namin siya, tahimik lang siyang naka-upo habang nakapikit ang mga mata.
"Ayaw mo ba talagang makipag tulungan sa amin?" Panimula ni Louie na hindi lang pinansin ng lalaki.
" Kung ganun kami nalang ang hihingi ng tulong kay Senator para sayo?" Kinuha ni Louie ang kanyang cellphone at tyaka nagsimulang magtype.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
General Fiction★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...