Twenty Fifth

31 11 0
                                    


Isip Thea! Isip!

Tama! Pwede na nga siguro yun.

Kinuha ko ang braso ni John at tyaka pumilipit sa kanya.

"Bumalik na tayo dali." Saad niya.

"Wag!" Pasimpleng sigaw ko.

"Ano bang plano mo?" Naiiritang tanong ni John.

"Basta sumunod ka lang sakin, maglakad ka lang." Sabi ko sa kanya. Kahit may pag-aalinlangan, tumango nalang siya. Iginiya ko siya na lumiko papasok sa aisle. Pansin kong nagpanic si John pero hinigpitan ko yung paghawak ko senyales na kumalma lang siya. Inihiga ko rin yung ulo ko sa balikat niya. Nagulat ito pero hindi na nagreact.

Patuloy lang kami sa paglalakad. Hindi naman kami tinignan ni Senator dahil abala ito sa cellphone niya. Halatang naiirita parin ito. Ilang hakbang nalang at magkaka tagpo na kami.

"Honey, it's here!" Sambit ko sabay harap sa isang pintong may 212. Senenyasan ko si John na kunwaring may hanapin sa bulsa niya. Ginawa niya naman ito. Ilang segundo lang naramdaman na namin ang pagdaan niya sa likod namin.

"Mag-usap tayo." Rinig pa naming sabi niya sa kausap niya sa telepono. Hindi niya na kami nabigyan ng pansin, buti nalang, marahil ay abala pa rin siya sa pag iisip sa nangyari kanina. Buti hindi ako nabigo sa plano ko, naisip ko na kasi na dahil nga sa psychological state niya na dulot nong lalaki may less chances na madistract siya lalo na sa insignificant presence namin.

Nang makaliko na si Senator bumitaw na ako kay John at dahan dahang tumakbo papunta sa lugar kung saan tinapon niya yung papel.

Kinuha ko ito at inayos. May contact number na nakasulat sa papel. Hindi ko ikakailang, nasiyahan ako sa aking nakita. Pakiramdam ko kasi may malaking mabuting maidudulot ito sa naudlot naming imbestigasyon. Parang nakahanap kami ng golden puzzle piece.

"John, ramdam mo na ba ulit ang Adrenaline rush?" Tanong ko sa kasamahan ko. Pero hindi ito sumagot. Nang lingunin ko siya wala na pala ito sa likod ko, andoon na pala siya malapit sa CR. Naiihi na nga talaga siguro yun.

Sinundan ko na nga muna siya sa CR. Hinintay ko siya sa may labas.

"Jusko!" Nagulat ata siya sakin ng eksaktong paglabas niya humarang ako sa buka ng pintuan.

"Oa nito, sa ganda kong to, hindi dapat yan ang reaksyon mo." Sabi ko sakanya. Inirapan ko siya ng pabiro.

"Tara na nga kailangan na nating sabihin kina Louie to." Pag-aya ko sa kanya, na lalo kung kina excite.

"Tama tara na, bumabalik na ang excitement sa dugo ko eh whoo!" Ako naman ngayon ang nagulat sa energy niya. Napatawa nalang ako ng mahina.

Nauna na siyang maglakad, pilit naman akong sumabay sa kanya habang nilalakihan ang hakbang kahit na naiistress sa heels.

"Sa tingin mo, magkasabwat nga talaga sila?" Tanong niya. Naalala ko naman yung nasaksihan ko kanina.

"Hindi ako sigurado." Diba nga magkagalit sila ni Senator? Pero sa pananalita ng lalaki, parang nakaramdam ako ng malalim na koneksyon sa dalawa. Posible nga sigurong magkasabwat sila dati at nagkalabuan lang ngayon.

"Hindi kaya hinire siya ng Senador para pumatay? Kaya yung babae sa resto, galit sa kanya dahil may biktima siyang relative nito?" Sabi naman ni John. Napaisip naman ako sa teorya niya.

" Pero kung ganun nga, bakit siya humingi ng tawad ? Ang isang gun for hire para sakin hindi ganun. Bakit sila papatay kung mahina pa---"

"Salamat" Hindi ko matapos ang sasabihin ko at napahinto kami ni John ng makasalubong namin si Louie at Jess.

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon