Nineteenth

24 20 4
                                    

" Hay nako! Tara sa loob na nga natin yan pag-usapan." Napahinto ako at napaestatwa kaming nakatitig ni Louie sa isat isa.

"Palpak ka talaga kahit kailan!" Ibang boses ng lalaki na naman ang nagsalita.

 

"Shh, sa loob na tayo mag-usap!" Sagot ng unang narinig naming sumigaw.

 

Madali naming isinauli ang folder at naghanap ng pwedeng mapaglulusutan o mapagtataguan. Kaso maabutan nila kami  kung bubuksan pa namin ang bintana. Lalo pa't mas lumalakas  na ang mga boses nila, senyales na malapit na talaga sila. Sinuri ko uli ang lugar para sa posibleng mataguan namin.

 

Hinawakan naman ako ni Louie at hinatak kaso pinigilan ko siya. Tumingin siya sakin ng nakakunot ang noo pero binalewala ko lang siya at sa halip ay tinuro ang konting space sa pagitan ng pader at isang bookshelf. Malapit lang ito sa desk ng Councilor na siya ring kinatatayuan namin. Dahil panatag naman akong kasya kami, agad na akong pumasok sa biak at sumunod din si Louie na eksakto lang sa daanan. Agad kaming umupo sa sahig sa likod ng isang bookshelf na puno ng libro at mga dokumento. Eksakto namang bumukas ang pinto at narinig namin ang mga yabag ng dalawang tao.

 

Panatag naman kami sa  pwesto namin kasi tinatakpan kami ng mga bookshelf. Yung gilid kasi ng mesa niya, may mga shelves na naka extend hanggang sa may pader. Wag nga lang sana sila pumunta dun sa pinakadulo kasi ang mga shelves niya walang harang yung likod , at hindi gaya ng mga malapit samin na punong puno ng mga libro at papel, yung nasa pinakadulo,  mga frames ang nakadisplay kaya may space talaga na paniguradong maibubuking kami.

 

Napabaling ang atensyon ko ng mag ingay ang swivel chair ng may umupo nito, gayun din ang silyang nasa harap nito. Tumingin ako sa nangyayari sa labas ng pinagtataguan namin gamit ang kaonting space sa pagitan ng dalawang librong nakahiga sa ibabaw ng mga libro na nakaayos sa shelf.

 

Nakita ko ang isa sa dalawang lalaki at hindi na ako nagulat pa  ng bumungad ang mukha ni Diyan. Yung boses niya pa lang kanina, kilalang kilala ko na. Yun nga lang, siya ang nakaupo sa swivel chair sa halip na ang may ari nito.

 

Binaling ko naman ang aking tingin sa isang lalaki pa, na nasa harap ni Diyan. Hindi ko siya kilala kaya lumingon ako kay Louie para magtanong. Kaso hindi pa ako nagsalita sumagot na siya.

 

"Si De Dioz." Sabi niya sabay mas lapit ng mukha sa butas na siyang tinitignan ko rin. Sobrang lapit nito sakin kaya umurong ako ng kaonti. Mas naging alimuot kasi sa lugar namin at pati ang loob ko nakakaramdam na ng init.

 

"Wala ka namang ginagawa! Dakpin mo na ang magnanakaw nayon!" Galit na sigaw ni Diyan kaya napatakip nalang sa tenga yung kaharap niya.

 

"Oo na Oo na, kaso wala akong pera pambayad sa mga uutusan ko"  Sagot ni De Dioz na ngumiti pa ng pilit. Sa mga kinikilos niya, masasabi kong under siya kay Diyan.

 

" Kunin mo na muna sa pondo mo!" Sagot ni Diyan. Aba't! Eksperto talaga to sa mga ganito no? Mas uminit tuloy ang kalamnan ko dahil sa mga sinambit niya.

 

"Sinubukan ko na, kaso mukhang may nakahalata sakin. Alam mo namang unang beses kong gagawin to. Nag-aalangan nga ako eh." Sabi ni De Dioz, na nag-iba na ang kaninang nakangiting ekspresyon, bakas yung pagkabahala at pagdadalawang isip sa mukha niya.

When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon