Eksakto lang naman ang pagdating ko sa opisina ngayon, mga dalawang minuto bago mag alas otso ay nakapasok na ako sa department namin. Masaya akong naglalakad kasi nga good mood ako dahil sa mga nangyari kahapon, wala na talagang makakapigil sa aming secret operation. At sabik na akong ilantad ang kasamaan ng mga taong sangkot dito.
"Misss!" Napatakip naman ako ng tenga at inis na pumikit ng patakbong lumapit sakin ang secretary ko. Naiinis ako, kaso pinigilan ko na munang pumutok kasi umagang umaga pa at puno ng kasiyahan ang aking diwa.
"Ano bang problema?" Sabi ko na pilit kumakalma.
"Miss! Pinapatawag po kayo ni Head Chief." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Anong kailangan ng lalaking yun sakin?
"Pumasok na po kayo sa Meeting Room." Nag aalalang pahabol pa ni Leah. Tumingin naman ako sa meeting room, subalit wala akong nakita dahil naka on ang privacy nito at nagblublur. Very unusual, kasi pag nagmemeeting kami diyan hindi naman ganyan. Kinutuban naman ako ng masama, lalo pa at parang may kakaiba sa ekspresyon nitong aking sekretarya.
Naglakad na ako papunta doon. At walang pagdadalawang isip kong binuksan ang pinto. Napalingon ang lahat ng tao sa loob sakin maliban sa nasa dulo na siyang nasa harap ng mesa. Walang ka duda duda si Head Chief yun.
Lumingon naman ako sa mga taong nakaupo sa kabilang dulo naman nitong oval table. Problemadong problemado ang mga mata ni Chief at John, samantalang kalmado naman si Louie at si Jess ay halata ang pagkainis. Kakaibang pagkainis yan sa mga nakikita kong ekspresyon niya kay John.
Hindi na ako nag antay pa ng imbitasyon mula sa Head at naglakad na para tumabi sa mga kasama ko. Dahil nasa kabilang dulo sila nagsi upuan, ako naman ang napaupo sa gitna na kaharap mismo ng pwesto ni Head.
Tahimik lang akong umupo habang nakatitig sa lalaking nasa harap ko na may aroganteng mga mata. Sa totoo lang wala akong ideya kung anong nangyayari pero hindi na ako nagtataka kung bakit ganito ang mga kasamahan ko sa kanya, kaharap lang naman nila ang taong likas makainsulto samin.
"Mabuti..... at kumpleto na kayo." Pagsasalita niya ng mahinahon pero ilang segundo lang ay naging agresibo ang kanyang ekspresyon at boses.
"Mga Irresponsable! Mga walang hiya!" Umalingawngaw ang kanyang boses sa loob, dahilan para mas lalong walang umimik saming lima.
"Head, nagsend napo ako ng note sa inyo na valid ang excuse ng dalawang kasama ko...."
"Manahimik ka.. Rosas" Nanlilisik na mga mata ang tinuon niya kay Chief kaya tumahimik nalang ito.
"Sige.. sabihin nga nating totoo yan.. pero ang wala ang apat na yan buong araw kahapon.. at maging ikaw din ay nawala nang hapon.. ng hindi ko man lang batid kung anong dahilan AY HINDI KATANGGAP-TANGGAP. Anong mas makabuluhang bagay pa ba ang inasikaso niyo?" Ramdam kong nagsitinginan sila kay Chief na para pang sumesenyas na sabihin yung totoo. Pero walang imik si Chief.
"Ipapaalala ko lang sa inyo kung bakit kayo andito at kung gaano ka importante ang trabaho niyo, kung kaya wag kayong magkakamaling magbigay ng pangit na reputasyon sa opisina kong ito!" Napapikit na ako dahil sa lakas ng boses at sa mga pangit na pinagsasalita niya.
Pero bigla namang nagsalita si Chief.
"Patawarin niyo po sana ang inasta ng aking team Head, bigyan niyo pa sana kami ng isa pang pagkakataon para patunayan ang mga sarili namin." Pagmamakaawa niya. Pero humalakhak lang si Head kaya hindi ko maiwasang bigyan siya ng matatalim na tingin.
BINABASA MO ANG
When I Died...[ONGOING]#KidlatAwards2018#TLA2018#UDWAwards2018#GPHVivaAwards2018
General Fiction★Ranked #320 in General Fiction on June 9, 2018 ★Ranked 8th in the Third Batch Ranking of Watty's Best of 2018 ------------A Sneak Peek------------- "Thea alam mong higit na pinagbabawal ang magtanong o ungkatin ang pagkamatay mo." "Alam ko po yun a...