By: Alyn Fate Villa
Ako yung tipo ng taong masiyahin
Ako yung tipong makakasabay mo sa lahat ng gawain
Pero may di pa kayo alam tungkol saakin
Ako yung tipo ng taong madaldal pero di naglalabas ng mga problemang malala at malalim sa saloobinSalamat mga kaibigan dahil kayo'y nandiyan parin sa tabi ko
Minsan gusto kong humagulgol ng iyak sa inyo
Pero ayokong isipin niyong mahina ako
Dahil ang pagkakaalam niyo ay malakas ako
Pero sa totoo lang? Mahina naman talaga ako pero ayoko lang kaawaan niyoko kaya di ko pinapakitang ganun yung nangyayari sakin sa likod ng mga masasayang ngiti koAko yung tipo ng taong pinagtatawanan kung umiiyak ako di lang dahil pangit ako pero dahil rin sa palagi nila akong nakikitang masaya
Sa mga mata nila lagi akong masaya
Ako kasi yung tipo ng taong sobra kung magpakatanga
Masayahin, kalog, baliw, takas mental yan tuwang tuwa ako pag nasasabi nila yan sakin pero sa totoo lang yung mga tawa na yun lang nagiging dahilan para makalimutan ko yung mga dala kong problema
Sobrang saya ko dahil kahit alam ko sa sarili ko na panlabas na katangian ko lang yun nakikita parin nila na ganun ako kasayaAko yung tipong di maipakita sa ibang tao na umiiyak ako
Ako yung tipong di kaya umiyak ako yung tipong matapang kuno
Pero minsan di ko mapigilang di umiyak pero kailangan may dahilan para di sila magtaka bat namamaga mga mata ko
Pero sa kabila ng yun di ko parin naisip na nagawa kong maging masaya kahit panandalian lang kahit ang bigat bigat na ng problema ko.AKO LANG BA GANITO?
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡