By: Alyn Fate Villa
Nung nakilala kita sobra ang saya
Nung nakilala kita biglang parang naisip kong "sana siya na"
Sana siya na yung makakasama ko habang buhay at ihaharap sa dambana
Kasamang magmamahalan at sa harap ng dambana at manunumpaMahal, ikaw na sana
Kaso biglang lumisan ka
Lumisan ka ng may iniwang luha sa aking mga mata
Lumisan ka at sinabing tutuparin ko parin pangarap nating dalawaSa kanya ba? Sa bagong mahal mo?
Bakit hindi nalang ako?
Ah oo nga pala di na ako mahal mo
Salamat sa ala-ala nating nabuoSwerte mo kung mahal ka niya higit pa sa pagmamahal ko
Wag kang mag alala, masaya ako para sa inyo
Di na ako umaasang bumalik ang dating tayo
Dahil meron ng kayo at dito na natin tatapusin ang kwento kung paano kita nakilala at sa huli tayo din ay nagkalayo
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡