By: Alyn Fate Villa
Isa, halos isang taon na sana tayo
Isa, Isa lang naman hinihingi ko
Yun ay ang manatili ka sa tabi ko
Pero iniwan mo parin ako para sa isang taong hindi masuklian ang pagmamahal moDalawa, konti nalang makakalimutan na kita
Konti nalang at maghihilom din ang sugat na iyong ginawa
Sana nga hindi ito mag marka
Hindi naman sa ayaw na kita, pero gusto ko ng kalimutan na nakilala kitaTatlo, tatlong bilang palayo sayo
Turuan mo naman akong kalimutan lahat ng ala-ala mo
Pagbilang kong tatlo, pipikit akoIsa...
Dalawa...
Tatlo...At sa pagmulat ko, malaya ka na mula sa pagmamahal ko.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡