Pasensiya Ka Na

61 10 0
                                    

By: Alyn Fate Villa

Mahal, Pasensiya ka na kung di ko na kaya
Pasensiya na kung kailangan kong iwan ka
Pasensiya na, dahil sobrang sakit na.
Sinasabi mong nasasaktan ka pero bakit hindi ko maramdaman man lang o nakikita?

Mahal kita oo mahal kita ng sobra sobra
Pero di ko na talaga kaya, tiniis ko lahat ng sakit kahit akoy nasasaktan na
Tinitiis ko yung selos sa sinasabi mong "kaibigan ko lang siya"
Kaibigan mo lang siya? Pero inuuna mas mo pa siya?

Kaibigan mo lang ba talaga o may pagtingin ka na?
Di naman kita pipigilan kung sa kanya ay sasaya ka
Pero tandaan mo wag ka ng babalik pa
Wala ka ng babalikan pa, pasensiya

Mahal, sa pagkakataong ito nandito lang ako para sayo.
Nandito lang ako pag may problema ka, pero wag mo na ipapaalala yung dating tayo
Yung dating tayo na masaya
Dahil di ko na kailanman gugustuhin pang balikan ang ating alaala
Mga dating masasayang alaala ngayo'y nananatiling alaala

Mahal, Pasensiya ka na kung pinakawalan kita
Pasensiya ka na kung nawala ako bigla
Ramdam ko kasing mas mahal mo siya
Kaya mas pinili kong lumayo kasi alam kong sa kanya sasaya ka

Pasensiya ka na, pero mahal na mahal kita
Kaya kung saan ka sasaya di kita pipigilan pa
Basta alalahanin mo nandito lang ako pag may problema ka
Pero wag na wag kang babalik sakin pag pinaiyak ka niya dahil wala ka ng babalikan pa.

Mga Tulang NilikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon