By: Alyn Fate Villa
Sana sinabi mo
Sinabi mo na hinihintay mo lang pala siya
Na pampalipas oras lang pala ako
Na siya naman talaga ang mahal moHinihintay mo lang pala siya
Sana man lang nagsabi ka
Para hindi na ako nagmukhang tanga na umaasa
umaasa na para sakin talaga ang matatamis mong salitaParang sinabi mo narin na wala akong kwenta
Na laruan mo lang ako pag nababagot ka
Sabi mo, mahal mo ako
Sabi mo lang pala, naniwala naman akoSana bumalik siya 'no?
Yan naman ang gusto mo
Para hindi ka na nagtitiis sa tulad ko
Sa tulad kong laruan lang para sayoAng galing 'no?
Ang dali lang sayong durugin ako
Ang dali lang sayong sirain ako
Dinudurog mo ako habang nagpapakahirap ako upang ika'y mabuo.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡