Dati

79 13 0
                                    

by: Alyn Fate Villa

Mahal, malapit na sana
Naalala mo pa ba?
Yung mga ngitiang walang sawa
Yung mga matatamis na salita

Naalala mo pa ba yung dating tayo?
Yung mga masasayang ala ala na iniwan mo
Binigay ko naman lahat eh, binigay ko naman lahat ng makakaya ko
Pero ikaw parin ay sumuko

Di pa ba sapat ang lahat ng yun? Ano pa ba?
Wala na kong maibigay pa sa iba
Dahil lahat nasayo na
Sobra sobra pa

Dati ikaw yung dahilan bat ako tumatawa
Ngayon ikaw na ang dahilan ng pagtulo ng mga luha sa aking mga mata
Minahal kita ng sobra
Pero di ko alam kung ganun ka din ba.

Mahal, alam mo ang dami kong tinanggihan na nagmamahal ng tunay sakin para sayo
Halos lahat itaboy ko
Hinahangad ng iba yung pag ibig na sinayang mo
Pero parang wala lang sayo

Sige lang mahal kung saan ka masaya
Pagbibigyan kita
Pero tandaan mo wala ka ng babalikan pa
At kung paluhain ka niya di ko pupunasan ang luha na di ako ng may gawa

Paalam sa dating tayo na masaya
Paalam sa mga tawanang walang sawa
Paalam sa mga masasayang ala ala
Paalam sayo mahal ko, paalam na.

Mga Tulang NilikhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon