By: Alyn Fate Villa
Hindi pa ba sapat?
Binigay ko naman ang lahat
Pagmamahal, atensiyon at pagiging tapat
Pero hindi parin ba sapat?Kailan ba ako magkakahalaga?
Kailan mo ba makikita ang pagmamahal at atensiyon na bigay ko?
Puro nalang kasi siya
Ni hindi mo man lang ako makitaHindi mo man lang maramdaman na mahal kita
Kasi ang nasa isip mo ay kung paano ka magiging sapat para sa kanya
Hindi mo man lang naisip na maramdaman mo lang na mahal kita ay sapat na
Pero hindi mo man lang mapansin o makitaIlang beses nang sinubukang iparamdam sayo
Ang bagay na hindi niya magawa sayo
Ang bigyan ka ng halaga at iparamdam sayo na mahal kita
Ako nga 'tong andito, pero hindi mo man lang makitaHindi pa ba sapat?
Ang sayo'y magtapat?
Palagi nalang kasi siya sa paningin mo ang nararapat
Ang nararapat sa pagmamahal mong sa kanya'y hindi pa sapat.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡