By: Alyn Fate Villa
Pakiramdam ko siya na yung mas importante sayo
Pakiramdam ko mas magkakilala pa kayo
Pakiramdam ko unti unti ng nawawala yung ako sa mundo niyo
Pero sige lang mahal kung saan ka sasaya dun nadin ako ano nga bang magagawa ko? Eh wala namang tayoSalamat sa mga sandaling napasaya moko
Salamat sa mga sandaling naramdaman kong maging importante sa isang tao
Salamat ha? Dahil ni isa wala akong nalaman na problema mo
Salamat dahil sa kanya mo pa sinabi kesa sakin na mas kakilala moWala naman na akong magagawa
Wala ngang ako sa mundo niyo diba?
Hindi mo ako kilala pag siya kausap mo diba?
Sa nababasa kong mga pag uusap niyo parang mas importante na siya
Siya na yung laging alam ano nangyayari sayo siya na may alam ano problema mo pero ako? Nganga dahil ni isa sakin ay wala kang nabanggit na problemaBakit ganun? Wala ka bang tiwala sakin? Siguro nga wala
Ni isa wala, wala akong alam kung anong nangyayari sayo pero siya? Lahat ng nangyayari sayo alam niya
Siguro nga nagseselos ako dahil lahat ng oras at tiwala mo nasa kanya
Pero di ko kasi maiwasang isipin bat ka nagkakaganyan? Andami mong problema pero wala akong narinig o nabasa na sinabi mo sakin kahit isa wala.Pero ok lang sanay naman na akong binabalewala
Pero pati ba naman ikaw? Na inasahan kong nandiyan lang sa tabi ko palagi ang bilis ko kasing naniwala
Ayos lang, ayos lang na nababalewala ako't nakakalimutan basta't masaya ka.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡