By: Fate Villa
Siguro inyong pinagtataka bakit, ganito ang titulo ng aking tula
Una, masakit kasi ako'y iniwan niya
Pangalawa, masaya kasi masaya nadin siya
Masaya na siya kahit wala ako sa piling niyaMasakit isipin na masaya ka na
Masaya ka na kahit hindi mo ako kasama
Masaya ka na pero ako nandito parin pilit ngumingiti at tumatawa
Pilit ngumingiti at tumatawa? Oo pilit lahat kasi hindi ko alam pano ilabas yung sakit na nadaramaMasakit isipin na masaya ka
Masakit isipin na parang wala lang sayo yung pagsuko natin sa isat isa
Siguro nga nakakasawa, nakakasawa yung puro away bati tayong dalawa
Pero diba nangako tayo sa isat isa, nangako tayo na pag iibigan nati'y hanggang dulo naMasaya ako para sayo
Masaya akong makita kang masaya kahit di na ako ang dahilan nito
Masaya ako na kahit hindi tayo hanggang dulo, ay naging parte ka parin ng buhay ko
Masaya akong makita kang masaya, kasi pinangako ko sayo na kung saan ka sasaya dun akoMahal, sana masaya ka na sa buhay mo
Sana matupad mo lahat ng pangarap mo
Sana makahanap ka ng babaeng tatanggapin ka ng buo tulad ng ginawa ko
Sana mas mahalin ka niya higit pa sa pagmamahal na binigay ko sayoSa ngayon paalam na, mahal ko
Paalam sa mga ala alang nabuo
Paalam sa masyang tayo
Paalam sa dating tayo, yung masayang mga alaala na ngayon at parang binasura mo
Binasura mo yung alaalang pinkaiingat ingatan ko
Parang binasura mo narin yung pagmamahal na natitira diyan sa puso mo.🙁
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Nilikha
PoetryIready ang mga tissue pag nagbasa, baka sakaling maiyak ka. Jk HAHAHA I hope you enjoy reading my compilation of spoken word poetries! lovelots♡